^

PSN Opinyon

IBP nakatutok sa rape cases ni Sr. Supt. Darantinao!

DURIAN SHAKE -

HINDI nag-atubiling tumulong ang Integrated Bar of the Philippines at ang Davao Lady Lawyers Association (Dallas) sa mga kawawa at walang kalaban-labang biktima ng rape at sexual harassment ni Senior Supt. Cesario Darantinao Jr., ang dating hepe ng Davao Del Sur provincial police office.

Noong nalaman ni Atty. Ramon Edison Batacan, outgoing IBP governor for Eastern Mindanao, na wala ngang mga abogado ang tatlong policewomen, isang police trainee at dalawang misis ng mga police officials, sa kanilang reklamo ng rape at sexual harassment laban kay Darantinao, minabuti niyang isangguni sa mga kasamahan niya sa IBP at naging daan upang sila ang tutulong sa mga nasabing kababaihan.

Maliban kay Atty. Batacan, kabilang sa mga lady lawyers na aalalay sa mga biktima ni Darantinao ay sina Attys. January Faye Risonar, Antoinette Principe, Ma. Mercedita Barrios-Talaver, Weng Licas at may dalawa pang iba na hindi ko nakuha ang mga pangalan.

Maging ang mediamen dito ay nangakong hindi tantanan ang kaso ni Darantinao. Talagang todo-bantay ang newsmen dito na hindi makakalusot at hindi magtatapos sa wala ang kaso ng nasabing police official.

Ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa pamamagitan ng kanilang chairman na si Dante Jimenez ay nakatutok din sa kaso laban kay Darantinao.

Hindi pupuwedeng magpatuloy ang nakagawian niyang pag-aabuso sa mga babae, lalo na sa mga subordinates niyang policewomen at mga asawa ng kanyang kasamahang opisyales din sa pulisya.

Alam kong mahirap buwagin ang “brotherhood” sa loob ng Philippine National Police (PNP), lalo na sa mga sinasabing mga miyembro ng Mason na kung saan miyembro nga si Darantinao.

Ngunit, sana isipin ng mga kasamahan ni Darantinao sa PNP at maging sa Philippine Masonry na ang mga rape at sexual harassment cases ay hindi laban sa PNP o sa Mason as institutions.

Ang laban na ito ay laban sa katiwalian at malaking pagkakamali na ginawa ng isang tao na nagkataon na miyembro nga ng mga nasabing organization. Dinungi­san nga niya ang imahe ng PNP at maging ng Mason.

Kaya nga noong nakaraang Huwebes, sa isang panayam kay Chief Supt. Yolanda Tanigue, head ng Women and Children Protection Division ng PNP, naipangako niya na tutulungan ang mga nasabing biktima.

Nangako rin si Tanigue at maging si Chief Supt. Pedro Tango, ang chief ng Southern Mindanao regional police office, na hindi walang harassment at maging pressure sa mga biktima lalo na habang ang kaso laban kay Darantinao ay umuusad.

Ngunit mas kaabang-abang ang inaasahang pag­labas ng iba pang mga biktima ni Darantinao na sigura­dong magpapatibay pa sa mga kaso laban sa kanya.

May iba pa raw kasing mga naging biktima si Daran­tinao na takot lumantad dahil nga sa kanyang power at influence.

Ngunit ngayon na nasa restrictive custody na si Darantinao, unti-unti na rin silang nagkakaroon ng lakas ng loob na isalaysay ang kanila-kanilang kuwento sa mga kamay ni Darantinao.

Abangan ang susunod na kabanata!

ANG VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

ANTOINETTE PRINCIPE

CESARIO DARANTINAO JR.

CHIEF SUPT

DANTE JIMENEZ

DARANTINAO

DAVAO DEL SUR

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with