Kabit-kabit sa Gabinete

Tungkulin ng Presidential Anti-Graft Commission na tugisin ang mga tiwaling presidential appointees, at panatilihin ang matitino sa landas na matuwid. Kaya malaking kahunghangan kung sa PAGC mismo mag­sisimula ang kabalastugan.

Usap-usapan sa PAGC ang pambababae ng isang opisyal nito. Kasal na kasal ang opisyal, pero pinatos ba naman ang isang subordinate. Hindi lang ‘yon, Nabalitaan na unang kabit sa labas ng ahensiya na may bago siyang kalaguyo, kaya inutusan ang opisyal na palayasin ang subordinate — na siya namang agad ginawa ng salawa­hang lalaki. Pero patuloy tinatagpo ng opisyal ang dating empleyada sa kanyang condo, habang isinasalit pamin-san-minsan ang unang kabit.

Kung gan’un ang asal ng opisyal mismo ng PAGC, e di natural na lalakas ang loob ng mga binabantayan niyang presidential appointees. Aba’y meron ngang miyembro ng Gabinete na nabisto ng asawa na matagal na palang ibinahay ang kasamahan sa trabaho. Sinugod ng asawa’t anak ng Cabinet member ang kalaguyo at sinapak. Pero nagtatagpo pa rin ang magkapares.

Isa pang taga-Cabinet, na maraming katiwalian sa pi- nang­galingan at kasalukuyang puwesto, ang malimit iban-dera sa publiko ang kalaguyo. balita nga, naaasiwa na si Presidente Arroyo, at inatasan ang isang babaeng ayudante na pagsabihan ang Cabinet secretary. Walang nangyari.

Akala ng marami, hindi dapat pinakikialaman ang pagkakaroon ng kabit ng mga matataas na pinuno ng gob­yerno. Kesyo raw pribadong buhay nila ito, at tawag ng puso, kaya’t hindi maaring uliratin. Mali sila.

Saad sa Konstitusyon na dapat maging tapat sa sarili ang mga opisyales. Takda rin ‘yon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at ng Code of Conduct for Public Offi­cials and Employees. Kung tutuusin nga, paglabag sa Penal Code ang pa­nga­ngaliwa sa asawa. Hindi lang kulong at mul­ta ang maaring ipa­taw na parusa sa kali­wete, kundi pagsibak sa tungkulin kung may ka­song administratibo rin.

Show comments