^

PSN Opinyon

Kinawawa ng Bulacan PNP ang mga pulis-QCPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG magandang trabaho ng Quezon City Police District sa pagkarekober sa 11 karnap na sasakyan ay naunsiyami matapos agawin ng Bulacan PNP ang kredito. Ito ang himutok sa akin ng mga pulis-QCPD nang aking makausap, hehehe! Paano nga naman mga suki, halos hindi na makatulog ang ilang kapulisan sa pagsubaybay sa mga tirador ng sasakyan sa kanilang nasasakupan at nang makakuha ng tiyempo na masakote ang ilang sus­petsadong karnaper ay nawala pa ang minimithing kredito, dahil inagaw pa ang konting papuring dapat ipataw sa kanilang paghihirap. Hehehe! Ganyan ngayon ang matu­nog na usap-usapan sa hanay ng kapulisan ng QCPD.

Ang masakit nito mga suki, baka dumating ang araw at mapawalang sala ang mga naarestong suspek dahil hilaw ang magiging resulta sa imbestigasyon ng Bula-can PNP. Ano ba yan PNP chief Jesus Verzosa Sir, paki­imbestigahan nga po itong masalimuot na pangyayari. Upang makontento naman ang mga naghirap sa mata­gumpay na operasyon.

Ayon pa sa aking mga nakausap, makakabawi na sana umano sila sa malaking kahihiyang sinapit ng ilan nilang kasamahan na nasibak matapos ang pamumuwersa sa kasambahay ni TV/radio broadcaster Ted Failon subalit naunsiyami dahil sa pag-agaw ng kanilang magandang accomplishment. Kaya ang mga kaawa-awang pulis ay nagsitangis at naglulupasay na parang inagawan ng candy. Mukhang minamalas talaga ang QCPD dahil kahit na maganda na ang trabaho ay naagaw pa ng iba. Di ba mga suki! 

Para sa kaalaman n’yo mga suki, nag-ugat ang mata­gumpay na pagsalakay ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD sa warehouse na pinagtata­ guan ng mga karnap na sa­sakyan ng kanilang masu­baybayan ang isang ash gray Isuzu Sportivo na may conduction stiker CA-2272 na walang plaka noong hapon ng July 8 sa Bgy. Burol-1, Ba­lagtas, Bulacan. At dahil nga sa labas na sila sa kanilang hurisdiksyon ay agad silang nakipag-coordinate sa Balag­tas Police Station upang ma­ging suwabe ang kanilang lakad. Sa tingin ko tama ang naging desisyon ng mga taga-QCPD dahil ito ang tamang procedure kapag lumabas ka ng bakuran. Ipaalam muna sa Balagtas police upang hindi magkaroon ng mis-incounter.

Kasama ang Balagtas police, pinasok nila ang warehouse sa Minaflor Extension Subdivision sa naturang ba­rangay at doon nila natukla­san ang may 11 sasakyan na nakaparada. Agad dinakma ang mekaniko na si Jesther dela Cruz at ang pintor na si Max Reyes sa aktong gumagawa ito sa ilang sasakyan. Doon na natuklasan ang nagkalat na plaka na binakbak sa iba’t ibang sasakyan, mga chop­-chop na piyesa, makina at mga re­ histro ng mga sasakyang ki­narnap. Lalo pang tumibay ang hinala ng mga pulis-QCPD nang masakote ang dalawang delivery boy ng mga sasa­kayan na sina Edwin Madrigal, alias “Negro” at Joel Sal­vatiera, alias “Nicnoc” na may­dala ng Izusu Sportivo na pag-aari ni Ma. Helen Inglesu­cang sa naturang warehouse.

Okey na sana ang eksena dahil talaga namang kumpir­mado na ang trabaho kaya happy na ang QCPD dahil sa kanilang tagumpay. Subalit bigla silang nanlumo nang ipag-utos umano ng isang mataas na opisyal ng Bulacan PNP na iwanan ang mga narekober na sasakyan. Ang mga kaawa-awang pulis-QCPD ay lulugo-lugong nili­ san ang Balagtas, Bulacan. Ang hinanakit ng pulis QCPD ay lalo pang tumin­di nang bawiin sa kanila pati ang dalawang huling delivery boy na sina Negro at Nicnoc sa poder kung kaya wala na silang hawak na suspek at ebidensiya. Naglabasan pa sa mga pahayagan na ang naka­ sakote sa naturang karnaper at nakarekober sa mga sasak­yan ay mga pulis Bulacan na. Aba talagang matibay din na­ man ang sikmura ng ilang pulis kung minsan dahil kahit hindi nila pinagpaguran ay inaagaw pa sa iba maging gu­wa­po lamang sa kanilang puwesto.

Kung patuloy na magi- ging ganito ang imahe ng PNP na­ titiyak ko na tatamarin ang ilang masisipag at pursigi­dong pulis sa hinaharap. Abangan!

ANTI-CARNAPPING UNIT

BALAGTAS

BULACAN

DAHIL

EDWIN MADRIGAL

KANILANG

PULIS

QCPD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with