Suporta kay Bro. Eddie dumaragsa
Kahit wala pang pormal na deklarasyon si Bro. Eddie Villanueva kung tatakbo sa presidential race sa 2010 o hindi, dumaragsa na ang suporta ng iba’t ibang sector sa kanya.
Bagamat sinabi ng partidong Bangon Pilipinas na siya at wala nang ibang isasabak sa 2010 polls, nananatili ang paninindigan ni Bro. Eddie na tatakbo lang siya kapag nakita niya na ang nakararaming taumbayan ay kaisa niya sa layuning maglunsad ng malawakang reporma sa gobyerno. And I feel more and more are joining this bandwagon for reform.
At sino naman ang makatatanggi sa layuning sumigla ang ekonomiya, magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang taumbayan at itaguyod ang isang maka-diyos na pamahalaan sa bansa? The pessimists may say “suntok sa buwan,” pero sa nakararaming mamamayan na nahihirapan na sa kasalukuyang tiwaling pamamalakad, handa silang tumaya sa ganyang agenda. May kasabihan na “the test of the pudding is in the eating” di ba? Wika nga ng mga Kapampangan: “Subukan pa mu ba mung abalu.”
Ang roadmap ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement, political party ni Bro. Eddie ay kinapapaloo-ban ng people empowerment, emancipation ng mga tao, pagpapalakas sa ekonomiya, pagtataas sa antas ng kabuhayan, pagtataguyod ng kapayapaan at iba pa.
Nagkakaisa ang maraming supporters ni Bro. Eddie na pinipili ng Diyos ang mga lider na handang maglingkod sa mamamayang Pilipinos na walang kapalit o pagtanaw na utang na loob sa mga mayayaman, makapangyarihan at inpluwensyal na tao. They were all in agreement na si Bro. Eddie ang taong iyan.
Dumalo sa okasyon ang mga bumubuo ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement tulad nina Bro. Eddie, Bishop Leo Alco-nga, Bishop Daniel Balais at mga lider ng multi-sectoral at religious groups.
- Latest
- Trending