Government of the Philippines, iyak!

Crying babies ang gobierno ng Philippines my Philip­pines dahi kung anu-anong kasiraan ang ipinupukol ng mga critics ng mala­kanin este mali Malacañang pala, sa Department of Agriculture at National Food Authority  dahil sa ginawang smuggling este mali pag-aangkat pala ng imported rice last December, kahit na mati­tibay na ebidensyang nagpapa­tunay sa transaction na alaws animal, este anomaly pala dahil ang importation ay para sa ikakabuti ng madlang people.

Naku ha!

Ang kasunduan noong Disyembre na pinasok ng inter-agency body na Cabinet Rice Procurement Committee last December, kausap ang Vietcong este Vietnam goverment pala, ay isang tama at matalinong hakbang kasi naging ma­tatag ang supply at presyo ng bigas hanggang sa kasalukuyan.

Sa ipinadalang panggastos este mali datos pala ng Bureau of Agricultural Statistics, ang average per-kilo retail prices ng regular-milled rice last June ay P31.40 at ang sa well-milled rice ay P34.55, o mas mababa sa presyong P35.79 para sa rice milled rice at P38.40 para sa well-milled rice sa kaparehong buwan noong 2008.

Ang kabuuang imbentaryo naman ng bigas ng bansa ay nasa 2.68 million metro tonelada last June compare sa 2.2 million metric tons last July ng nakaraan taon.

Ang alegasyong overpriced ang ginawang pagbili ay parang isang supot na paputok dahil ang sinasabi nilang umiiral na presyong $380 kada metriko tonelada noong panahong ginagawa ang negosasyon ay tila sa panaginip lang nangyari.

Ang freight on board (FOB) price noong panahon na iyon, ibig sabihin hindi pa kasama ang transport cost at iba pang standard expenses para ihatid ang produkto mula sa Hanoi to Manila ay naglalaro sa presyong $456 hanggang $459, batay sa opisyal na talaan ng Board of Trade ng Thailand, na siyang itinu­turing na inter­national benchmark para sa presyuhan ng bigas.

Kung iisipin mabuti alaws 40% overprice gaya ng ibini­bintang ng mga gago este mali critics pala, dahil wala naman rice na nagkaka­halaga ng $380 kada tonelada last December 2008. 

Sa totoo lang hindi nakaintindihan.

Ika nga, misquoted lang!

Naku ha.

Ang pinaka-cheap ang pricing at pinakamagandang alok sa mga panahong iyon — ang Manila ay magbabayad sa Vietnam hindi nang cash kundi nang hulugan sa loob ng anim na buwan at dahil dito nagkaroon ng savings ang Philippines my Philippines nang humigit-kumulang P369 million or $7.54 million sa mga inangkat na bigas.

Kasi nga, ang world market prices ay tumaas sa panahong nag­ simula nang ihatid ng Hanoi sa Manila ang mga bigas last February.

Ang ginawang negosasyon para dito ay hindi lamang binantayan at nilahukan kundi inaprubahan pa ng Private Sector Procurement Transparency Group, na pinamumunuan ng kinatawan ng Bishops-Businessmen’s Conference na private-sector hotdog este mali  watchdog pala.

Abangan ang susunod pang intrigahan. Hehehe!

US of A nagbigay hudyat tuloy ang election

Hindi biro ang sinabi ni US of A dahil gusto nilang ­ng Presi­dential election sa 2010 kaya naman ang mga nagbabalak ng kung ano dyan ay delikado kayo sa kano. Hehehe!

Alam naman ng madlang people kapag kumilos ang mga kano hindi biro.

Sabi nga, ang utos ng hari hindi mababale!

Sa puntong election sa 2010 tiyak maraming dismayado porke kumumpas ang kano na dapat ituloy ang election.

Bhe, buti nga naudlot kayo!

Suerte ang mga nagbabalak tumakbong Prez next year dahil nakaka­siguro kayong may election.

Sa mga nagpa-plano ng kagaguhan ‘better luck next time’!

Abangan.

PAGASA walang pag-asa

Kung ang mga kamote ang tatanungin regarding sa PAGASA mas gusto pa nilang maniwala sa mga manghuhula sa Quiapo kaysa sa nasabing ahensiya na walang ginawa kundi ang mang­hula?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ilan beses na kasing pumalpak ang ahensiyang ito at hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim kundi napakarami na kaya naman ang madlang people ay naggagalaiti sa galit.

Isa kasi sa problema ng PAGASA ay hindi sila makabili ng mga bagong kagamitan na gagamitin sa pagmonitor ng panahon.

Kung bakit?

Kamote, iyan ang itanong mo sa kanila.

Show comments