^

PSN Opinyon

Magkasalungat na opisyal na pahayag

SAPOL - Jarius Bondoc -

MAGKASALUNGAT ang mga opisyal na reaksiyon sa sunud-sunod na pagbobomba sa Mindanao at Metro Manila. Para pakalmahin ang publiko, hindi basta nagbintang lang kung kani-kanino ang mga heneral sa Timog. Pero ‘yung mga taga-capital ay nagturo agad sa mga kadalasang suspects, nag-red alert, at nag-anunsiyo ng mga malamang na susunod na target.

Walo ang pinatay at mahigit 50 ang sinugatan ng bombahan sa Cotabato, Iligan, Jolo, Datu Piang at Kaus­wagan. Mga simbahan at purok na Kristiyano ang ina-take, at sinuspindi ng UN Food Program ang pakain sa Muslim evacuees sa Maguindanao at Lanao. Agad pinagbintangan ng mga panatiko ang tatlong Islamist extremists: Moro Islamic Liberation Front, Abu Sayyaf, at Jemaah Islamiyah. Pero dahil kabadong sa pagsiklab ng sentimiyentong kontra-Muslim, nilinaw ni Chief Supt. Bensali Jarabani na patuloy pa ang pagsisiyasat. “Tuma­trabaho pa ang mga imbestigador,” anang hepe ng pulis sa Mindanao Autonomous Region. “Mahirap ang basta magturo kami kung kani-kanino.” Dagdag naman ni Marines commandant Maj. Gen. Ben Dolorfino: “Maaga pa para mag-konklusyon.”

Nauna rito sumabog pero walang nasaktan sa   bomba sa head office ng Ombudsman sa Quezon City. Na­katiklo rin ng mga paputok sa Dept. of Agriculture at condo ng Unang Pamilya di kalayuan. Pinahiwatig ng pulis na pakana lahat ito ni opposition Sen. Panfilo Lacson. Naka­lipas ang ilang araw nagsabugan sa Mindanao. Nag-red alert ang militar sa Metro Manila. Ani Maj. Gen. Jogy Leo Fojas, hepe ng AFP sa rehiyon, namataan sa purok niya ang bomb experts mula sa tatlong grupong Islamist. Po­sibleng target umano ang mga kampo militar at Kongreso. Sabat naman ni Metro Manila police Chief Supt. Roberto Rosales na tiyak bobombahin ng mga tero­rista ang mga protesta sa State of the Nation ni Gloria Arroyo sa Hulyo 27. Ito’y matapos mag-anunsiyo ang mga militante na mag­momobilisa sila nang pina­kamalaki sa lahat ng de­monstrasyon kontra SONA. Halatang nananakot si Ro­sales na manatili na lang sa bahay ang mga mama­ma­yan. Sinutsutan sila tuloy ng defense secretary na, “tigil daldal, trabaho kayo!”

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANI MAJ

BEN DOLORFINO

BENSALI JARABANI

CHIEF SUPT

DATU PIANG

FOOD PROGRAM

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with