^

PSN Opinyon

Nagbayad din ang ganid na sina Boratong at Molera

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAPAHAGULGOL sa kinauupuan si Sheryl Molera nang marinig ang sentensyang habambuhay na pagka-bilanggo na hatol ni Judge Abraham Borreta ng Pasig Regional Trial Court. Ang dating maluho at napakama-liga­yang araw na pagsasama nila ni Amin Imam Bora-tong ay humantong sa paglalayo sa bawat isa. Si Boratong ay mapipiit sa National Bilibib Prisons (NBP) kaya malabo nang muli pa silang magkasama. Ang masakit pa nito, mapupunta sa pamahalaan ang kanilang mga ari-arian at salaping naipundar mula sa shabu tiangge. Pinag­babayad pa sila ng P11-milyon para sa pagmintina ng drug dens at pag-iingat ng illegal na droga.

Talaga lumpo na silang maglive-in sa kanilang kabuhayan, hehehe! Ganyan talaga ang mangyayari sa mga GANID kung ang kayamanang inaari ay galing sa masamang bisyo. Kaya kayo mga suki, laging tatandaan na ang lahat ng kasalanan sa kapwa ay may katapat na kaparusahan sa bandang huli.Get nyo mga suki?  

Nagmistulang hari at reyna sina Boratong at Molera ng eskortan ng 100 ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na pawang naka-full battle gears at bullet vest mula sa NBI compound hanggang sa Pasig RTC. Halos hindi madapuan ng langaw ang dalawa  sa kapal ng escort, hehehe! Naging mahigpit ang ka­paligiran ng Pasig RTC kaya piling-pili lamang ang    taong maka­papasok sa naturang lugar. Tinatayang 500 pulis naman ang ikinalat upang tumulong sa siguridad ng paglilitis. Siyempre ipinakita lamang ng mga pulis ang kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa kalig­tasan nina Bora­tong at Molera, Kapag may nangyaring hindi maganda sa kaligtasan ng dalawa tiyak na sila na naman ang sisisihin. Ito na marahil ang pinaka-mahigpit na promul­gasyon sa kasaysayan ng bansa.   Di ba mga suki?

Halos walang mapagsidlan ng kasiyahan si Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) chief Deputy Director General Jefferson Soriano mata-pos mapatawan ang dalawa ng habambuhay na pagka-bi­langgo ni Judge Borreta. Dahil ayon sa kanya ito na ang pinakamalaking accomplishment ng kanyang ahen-siya sa pakikipaglaban sa salot na droga sa bansa.

Kung sabagay tama lamang na magmalaki si Soriano dahil sa dinami-dami na ng mga inasunto ng kani­lang ahensya ay tila ito pa lang ang malaking isda ang mabubulok sa aquarium. Get n’yo mga suki? Dapat din sigurong papurihan si Palao bagamat kasangkot siya sa pagtatag ng shabu tiangge sa kanyang katapangan at katapatan ng kanyang ipagkanulo ang sariling kapatid na si Boratong sa hus­gado. Kung matatandaan, mula nang itatag ang shabu tiangge sa Pasig noong 2006, naging kanang kamay ni Boratong si Palao kaya kabisado niya ang lahat ng transaksyon at lakad ng kanyang kapatid. At dahil nga sa binalak na likidahin ni Boratong ang lahat ng may nakaaalam sa kanyang illegal na negosyo ay humiwalay si Palao at nagtago. Kaya nang lumutang si Palao sa PNP at NBI, nabuo ang desisyon ng hustiya at napatawan ng panghabambuhay na ka­parusahan nitong si Boratong at Molera. Get n’yo mga suki! Mantakin n’yo mga suki umabot sa P900 milyon      ang napasakamay ni Boratong sa kanyang negosyo    bago pa siya natimbog.

Maraming buhay ang nalagas at ibinaon sa naturang lugar. Daang tao rin ang nalulong sa bisyo. Kaya kulang pa ang parusa kina Boratong at Molera kung tutuusin. Ngunit kung talagang ito lang ang tamang pro­seso ng ating hustisya manalangin na lamang tayo na hindi na sila makakawala sa kulungan. Abangan!

AMIN IMAM BORA

BORATONG

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JEFFERSON SORIANO

KAYA

MOLERA

PALAO

PASIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with