^

PSN Opinyon

2010: Panahon ng mga alternatibong kandidato

- Al G. Pedroche -

SA harap ng nagkakaisang gusto ng taumbayan na magkaroon ng tunay na reporma sa pamahalaan, may tsansa kaya ang mga alternative candidates na lumaban sa mga traditional politicians?

Ganito ang nakikita kong scenario kapag hindi nag­kaisa ang oposisyon kung sino ang isasabak sa presidential election sa 2010. Mukhang kampanteng-kam­-pante si dating Presidente Joseph Estrada sa pagsasa­bing mapipilitan siyang tumakbo kung hindi magkakaisa ang oposisyon.

Ngunit hindi lang sagupaan ng administrasyon at oposisyon ang nakikita kong scenario sa 2010. Naririyan din at sasabak ang mga non-traditional candidates tulad ni Bro. Eddie Villanueva na ang advocacy ay “righteous gover­ nance.” Kaya kung mananatiling “sabog” ang opo­sisyon, magkakaroon ng advantage ang mga alternative candidates na may bitbit na program of reforms para bumuti ang pamahalaan sa kapakinabangan ng taum­bayan.

Nasabi ko iyan kasi naniniwala akong mag-iisip-isip ang tao. Ang oposisyon at administrasyon ay binubuo ng mga datihan nang politiko na hindi nakapagdulot ng positibong pagbabago sa bansa. Tapos nakikita pa ng tao na sila-sila sa iisang partido ay hindi magkasundo. Kaya malamang bumaling ang taumbayan sa mga non-traditional politicians.

Katulad noong nakaraang presidential elections, watak-watak pa rin ang oposisyon dahil marami ang ibig maging presidential timber. Nahati ang boto ng oposis-yon dahil dalawa ang naging presidential candidates noon: Sina yumaong Fernando Poe Jr., at Senator Panfilo Lacson. Kahit ang oposisyunistang si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ay naniniwala na mu- ling mahahati ang kanilang hanay dahil sasampung buwan na lang at halalan na. Medyo gipit na sa oras para magkaisa at pumili    ng iisang kandidato.

Wala na ngang pag-asa si Pimentel na magka- kaisa pa ang oposisyon bago dumating ang 2010. Wala kasing ibig magpa­raya.

Sige lang kayo para ma­kalusot naman ang isang karapat-dapat na alternative candidate.

EDDIE VILLANUEVA

FERNANDO POE JR.

GANITO

KAHIT

KAYA

PRESIDENTE JOSEPH ESTRADA

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL

SENATOR PANFILO LACSON

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with