EDITORYAL - Galugarin pa ang mga 'shabu tiangge'
KAHIT nabuwag na ang “shabu tiangge’ sa Pa-sig na inooperate ni Amin Imam Boratong at asawa nitong si Sherryl Molera, marami pang “shabu tiangge” ang magsusulputang tila kabute. Hindi lamang sa Pasig magkakaroon ng “shabu tiangge” kundi sa maraming sulok sa Metro Manila. Karaniwang ang shabu tiangge ay nasa squatter’s area kagaya nang nabuwag sa Pasig noong Feb. 10, 2006 kung saan nahuli sina Boratong at Molera.
Malaki naman ang magagawa nang pagkaka-hatol kina Boratong at Molera sapagkat nabawa- san kahit kaunti ang nagmamay-ari ng shabu tiangge. Sayang nga lamang sapagkat habambuhay lamang ang ipinataw na kaparusahan sa mag-asawang tiangge operator. Mas matutuwa ang nakararami kung ang pinakamabigat na parusa ang ipinagkaloob sa dalawa — ang kamatayan. Sa ibang bansa, kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo, pagbigti at firing squad ang karaniwang kapa-rusahan sa drug traffickers. Masyadong mabigat ang batas sa ibang bansa. Nakukuha pang patawarin ang mga nakapatay ng tao pero ang magtu-lak ng illegal na droga ay hindi. Napakabigat na kasalanan nito.
Nabuwag man ang shabu tiangge nina Bora- tong, bukas o makalawa ay may mas malaki pang lulutang. Paano’y magaan lamang ang parusa sa mga operator ng tiangge. Kung magkakaroon ng puspusang pagdurog sa mga “shabu tiangge”, maraming magulang ang matutuwa sapagkat maisasalba ang kanilang mga anak sa tiyak na kumunoy ng droga. Ang mga kabataan ang pinupuntirya ng drug traffickers sapagkat madaling mahikayat na tumikim ng bawal at magbenta na rin. Halimbawa rito ang “Alabang Boys” na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nasa akto ng pagbebenta ng shabu. Naging kontrobersiya ang “Alabang Boys” sapagkat nasangkot ang mga prosecutor ng DOJ.
Galugarin pa sana ang mga shabu tiangge at huwag nang tantanan hanggang sa malipol. Sana rin naman, maibalik ang parusang kamatayan para sa mga gumagawa at nagtutulak ng bawal na droga.
- Latest
- Trending