^

PSN Opinyon

Dynasty

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Art. II, Sec. 26 of the 1987 Constitution: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Equal Access? Hindi nito hinihingi na ang lahat ng mamamayan ay mabigyang pagkakataong maglingkod gaya ng mungkahing i-rotate sa bawat isang botante ang mandatory duty na mag­lingkod sa gobyerno. Ang gusto lang sabihin ay hindi dapat pahirapan ng pa­ma­halaan ang proseso para sa nais makapagsilbi sa bayan.

Kung mayroon mang limitasyon na Saligang Batas mismo ang nagtakda, ito na nga ang kautusang ipagba-wal ang political dynasty. Ang political dynasty ay isang konsepto na naiintindihan ng lahat subalit walang maka­pagbibigay ng legal definition. Dahil ito na ngang definition ang hindi mapagkasunduan ng ating mambabatas. Ipagbawal daw ito dahil kinikilalang may hindi makata­rungang panlalamang ang pamilyang nakapuwesto sa mga oportunidad na maglingkod, lalo na sa mga elective positions. Abuso daw ito ng kapangyarihan.

Ang karaniwang sagot ng kontra sa limitasyong ito ay dapat daw respetuhin ang karapatan ng tao na mamili ng kanilang pinuno. Di ba’t ganun nga ang kahulugan ng demokrasya? Maski ang term limits na ipinapataw ng batas ay paglapastangan din sa prinsipyo na malayang pagpili. Kung gusto namin siya na lang lagi, bakit kami hahadlangan?

Malinaw sa debateng ito na may tensyon sa pagitan ng kalayaang makapamili at sa simulain ng pamahalaang malabanan ang abuso ng kapangyarihan. Ito ang dapat isaisip ng ating mga mam­babatas sa paghubog ng isang makabuluhang batas laban sa political dynasty.

Mahigit 20 years nang hindi sinusunod ng Kongre­so ang direktiba ng Sali­gang Batas. Subalit muk­hang may nabubuong pag­kilos sa direksyong ito.      Sa HOUSE ay nagdeklara na si Cong. Edno Joson at sa Senado si Sen. Chiz Escudero na isusulong nila, sa wakas, ang dynasty debates. Ang partisipasyon ng dalawang magiting na mambabatas – kapwa bunga ng pamilyang mata­tamaan ng batas laban sa dynasty – ay malinaw na pagtabi ng pansariling interes para sa kapakanan ng nakararami. Nawa’y magsilbi itong mitsa upang tuluyan nang maipasa ang dynasty law.

CONG. EDNO JOSON at SEN. CHIZ ESCUDERO

GRADE: 95


vuukle comment

ABUSO

BATAS

CHIZ ESCUDERO

DAHIL

DYNASTY

EDNO JOSON

EQUAL ACCESS

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with