Si Warren Buffet ang ikalawang pinaka-mayamang tao sa mundo. Si Bill Gates lang ang tumalo sa kanya sa paramihan ng kompanya at pera. Pero kung si Gates ay $25 billion ang inilagay sa charity Gates Foundation, mas malaki — $30 bilyon — ang inambag sa kanya ni Buffet.
Sobrang simple mamuhay si Buffet. Ilang aral mula sa kanya:
• Binili niya ang una niyang stock share sa edad-11, at nagsisisi siya ngayon na huli na siya nagsimula. Leksiyon: turuan ang mga anak mag-invest.
• Bumili siya ng lupang taniman sa edad-14 mula sa naipon sa pag-deliver ng diyaryo. Maraming mabibili sa konting inipon, pati negosyo.
• Nakatira pa rin siya sa maliit na bahay, tatlong kuwarto, na binili niya nang ikasal mahigit 50 taon na ang nakalipas. Wala itong bakod, pero aniya lahat ng kailangan niya ay nasa bahay na iyon. Huwag bumili ng sobra sa tunay na kailangan.
• Minamaneho niya ang sarili sa lahat ng lakad; wala siyang tsuper o bodyguard. Ikaw ay kung ano ka....
• Pag-aari niya ang pinaka-malaking kompanya ng private jet sa mundo, pero hindi siya bumibiyaheng naka-private jet. Parating isipin kung paano matatapos ang trabaho sa pinaka-murang paraan.
• Animnapu’t tatlong kumpanya ang pag-aari ng holding company niyang Berkshire Hathaway. Minsan sa isang taon, sinusulatan niya ang CEOs ng 63 kompanya para ilahad ang targets. Hindi niya sila kinukulit sa malimit na telepono o pulong. Magtalaga ng tamang tao sa tamang trabaho.
• Dalawa lang ang utos niya sa CEOs. Una, huwag ipalugi ang pera ng shareholders. Ikalawa, huwag kalimutan ang una. Mag-takda ng targets at tiyakin nakatuon doon ang pansin ng mga tauhan.
• Hindi siya mahilig makipag-sosyalan. Ang libangan niya: Manood ng TV sa bahay kasama ang misis, habang nagpa-popcorn. Huwag magpasikat, maging totoo lang sa sarili at langhapin ang sarap noon.
• Hindi siya nagdadala ng cell phone, at walang computer sa mesa niya. Mamuhay nang pinaka-simple.