^

PSN Opinyon

BIR Revenue Ruling, pini-pitsa

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

DAPAT bukalkalin ng Office of the Ombudsman at ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang lagay office este mali legal office pala dahil dumarami ang bugok dito porke minimum of P200,000 pataas daw ang bentahan ng BIR Revenue Ruling sa mga taxpayer o companies na may heavy case problem sa nasabing office.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito ?

 Siguro dapat patignan o pa-imbestigahan ni BIR Commissoner Sixto Esquivias 1V, bago mahuli ang lahat kasi nga ang mga bugok sa BIR ang kumikita ng todo sa pagbibigay ng opinion regarding sa BIR Revenue Ruling.

 Dapat din magkaroon ng lifestyle check sa mga ito kasi nga ang dami ng kinita ang mga bugok sa lagay office este mali legal office pala.

 Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi makakawala sa BIR ang mga gagong empleado todits na mahilig sa pitsa dahil amoy na amoy na ang mga katarantaduhan gawain ng mga kamote.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas James Ingram Dean, ang sinasabing protektor ng mga bugok sa legal at mastermind sa katiwaladas este mali katiwalian pala. 

 Abangan.

Esquivias versus Teves?

KAMAKAILAN ay kumalat sa mga barberya ang tsimis na sisibakin bilang Commissioner ng Bureau of Internal Revenue si Atty. Sixto Esquivias 1V, dahil hindi na daw sila in good term ni DOF Secretary Teves?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bagsak kasi ang BIR Revenue Collection kaya naggagalaiti sa galit daw si Teves.

Sabi nga, highblood ? Hehehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawang pangalan ang pumutok na papalit kay Sixto sa BIR sinasabing sina James Roldan galing ng Finance at isang Joel Tan Torres, sinasabing kaibigan daw ni Ricky Razon.

 Ang masama na overshoot ng BIR ang kanilang target collection ng P3.5 billion as of last month pero ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aabutin pa daw ng P10 billion ang kanilang masisingil sa mga magbabayad ng huwes este mali buwis pala.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P20 billion assigned target ang kulang sa koleksyon pero ito aniya ay makukuha nila bago matapos ang 2009 at tinitiyak ng mga matitinong taga - BIR na lalagpasan nila ang revenue collection ngayon taon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, initriga ng todo si Esquivias na sisibakin sa kanyang puesto pero ang masama may isang mataas na government official na nagsalita na baka ang mga urot ang mawala sa kanilang kinauupuan.  Tama ba, Secretary Teves, Your Honor?

Abangan.

Proclamation sa Alabang Hills Village, alaws pa!

NAGKAKAMOT daw sa ulo ang ilang taga -  Alabang Hills Village, Muntinlupa City, kasi nagkaroon ng election dito para sa pitong Board of Directors ng Association last March 22, 2009, ang problema ay up to now ay hindi  pa daw napoproklama kung sino ang dinaya este mali nanalo pala. 

Ang masakit nito, ang election ay duly supervised pa ng isang Lawyer na si Atty. Rowena Balasolla, na itinalaga ng HLURB para maging maayos at legal ang takbo ng election, subali’t lalo lang nagkatagal-tagal ang resulta ng election.

Bakit? Iyang dapat ang sagutin ni Attorney.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang voters sa Alabang Hills Village ay alaws pang 1,000 botante pero sa tagal ng resulta mukhang tatalunin pa nito ang presidential election sa Philippines my Philippines.

Paging, Chairman Romulo Fabul ng HLURB makialam ka na rito, para hindi mabuwisit ang mga nag-aabang ng resulta ng eleksyon at dehins mainip ang mga resident doon. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang alam nila sa isang election binibilang ang boto at kung sino ang maraming boto siya ang nanalo para iproklama at kung may reklamo ang natalo saka pinag-uusapan ang issue sa protesta, hindi yong walang proklamasyon, nagka-election pa kung hindi rin lang bibilangin.

Chairman Fabul, yan ang pahayag ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  kaya naman lagi nilang susubaybayan ang aksyon mo.

Abangan.

LTO grabe sa anomalya, ngayon

SINALAKAY ng mga tangahan este mali tauhan pala ni NCRPO Boysie Rosales, ang tanggapan ng Land Transportation Cental Office dyan sa East Avenue, Quezon City dahil sa mga nagkalat na peking duck este pekeng plaka, LTO Official Receipts at LTO Certificate of Registration sa mga sasakyan. Dalawa ang naka-puga ng salakayin ng raiding team ni Boysie ang LTO, kinilala ang mga naka-eskapo sa mga pangalang Reynaldo  del Pano at Gatchalian  Socrates, habang kinakamayan este mali hawak pala ang unang dalawang nahuli na sina  Orlando Villaflor at  Roberto  Arestorenas, kapwa  nakatalaga sa plate making plant ng LTO  East Avenue, QC. Sinasabing isang Vilma Castillo, ang pinaniniwalaang siyang tagapamudmod ng mga pekeng plaka ng sindikato ang ini-imbestigahan ng mga alipores ni Boysie. Nasamsam ng kaniyang mga tauhan sa loob ng isang maliit na opisina ni Castillo na katabi lamang ng gusali ng main office ng Lto  ang bungkos  ng genuine certificates of registration,  official receipts,  stencil forms, genuine at  mga pekeng yellow plates para sa mga pampublikong sasakyan, at  genuine na plaka ng LTO pero pawang mga blangko. Marami pang kamote ang sasabit abangan! 

ABANGAN

ALABANG HILLS VILLAGE

ASSET

BIR

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with