EDITORYAL - Pati bata na walang muwang ay idinamay sa karahasan

NAMATAY din si Jeffrey Sayre, ang isang taong gulang na bata na nasabugan ng bomba noong Linggo sa harapan ng Immaculate Conception Cathedral sa North Cotabato. Si Jeffrey ay isinama ng kanyang ina para magsimba pero sinamang palad na madamay nang sumabog ang bomba. Dalawang araw na nakipaglaban kay kamatayan si Jeffrey pero noong Martes ng uma­ ga ay yumao rin sa ospital. Iyak nang iyak ang ina ng bata at humihingi ng hus­tisya sa pagka­matay ng kanyang anak. Sana raw ay huwag patulugin ng kanyang konsensiya ang nag­tanim ng bomba. Kasalukuyang may misa sa cathed-ral at maraming tao nang biglang sumabog ang bomba. Eksakto rin namang nagdadaan ang    isang army jeep at nahagip din ang mga sakay nitong sundalo.

Ayon naman sa Armed Forces of the Philippines, mga miyembro ng Jemaah Islamiyah ang may kaga­gawan ng pambobomba. Isang lalaki naman ang inaresto ng awtoridad makaraan ang pagsabog pero pinakawalan din ito dahil sa kawalan ng ebi­densiya. Nakunan naman ng CCTV ang isang lalaki na may dalang gallon at makaraan ang ilang sandali ay su­ma­bog na. Sabi ng military, ang mga suspect ay Indonesians na may kaugnayan sa Al-Qaeda network ni Osama bin Laden na sangkot din ang Moro Islamic Liberation Front. Agad namang pinabula­anan ng MILF ang paratang ng AFP. At bilang ganti, sinabi ng MILF na ang military ang may kagagawan ng pambobomba. Kahapon, apat na pambobomba       pa ang nangyari sa iba’t ibang lugar sa Minda-    nao. Anim na sibilyan ang namatay sa Jolo, Sulu kahapon dahil sa pambobomba.

Katarungan para sa mga napatay sa pagsabog. Kung mga miyembro ng JI ang may kagagawan, dapat agarang kumilos ang AFP dito. Naka­pag­tataka lang kung bakit hindi agad natunugan ng military ang balak na pambobomba? Nasaan na ang intelligence fund ng military o Philippine National Police (PNP)? Siguruhin ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga “uhaw sa dugo”.

Show comments