13 'graftbusters' nagtapos sa PAGC
“THERE’S something strange in the government… Who you gonna call? GRAFTBUSTERS!”
Sa harap ng naglilipanang “multo” ng graft and corruption sa gobyerno, kailangan natin ang mga youthful, uncompromising at principled agents para labanan ang sakit na ito.
Kaya congrats sa may 13 “graftbusters” mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan na nagtapos ng Graduate Certificate Course in Corruption Prevention (GCCCP) ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC). Sana’y magsilbi kayong epektibong “terminators“ sa mga multo ng korapsyon. Ayon kay PAGC chair Constancia de Guzman, ang mga ito ay nagtapos kamakailan sa Development Academy of the Philippines (DAP). Sa kabu- uan ang GCCCP ay mayroon nang 26 graduates mula nang simulan ang programa noong 2006.
“Ang bilang ng graduates sa katatapos na curriculum ay aabot pa sa 15 dahil may dalawa pa na kasa lukuyang kinukumpleto ang kanilang mga Corruption Prevention Action Projects (CPAPs) sa loob ng dala-wang buwan. Kaya ang kabuuang bilang ng mga GCCCP graduates ay posibleng umabot sa 28,” dagdag pa ni De Guzman.
Ang CPAP ay isang requirement para matapos nila ang kurso. Lahat ng scholar ay kailangang magpasa ng CPAP na nakatuon sa isang bahagi ng kani-kanilang mga ahensya kung saan maaaring maganap ang kurapsyon. Tinukoy ni de Guzman ang tatlong pinakamagaling na CPAP na sina Jeson Quindo dela Torre ng National Economic Development Authority (NEDA), Myrna S. Alim- boyoguen ng Presidential Commission on Urban Poor (PCUP), at Oscar S. Navata ng Bureau of Immigration (BI).
Ang CPAP ni Dela Torre ay nakatuon sa pagkaka-roon ng customized Code of Conduct para sa mga upis-yal at kawani ng NEDA, habang ang kay Alimboyoguen ay nagbalangkas ng “Citizen’s Charter for Ac- creditation of Urban Poor Organizations” batay sa Republic Act 9485 o Anti Red Tape Act of 2007 at ang kay Navata naman ay nagpupuno sa mga kakulangan sa sistema ng BI para sa accreditation ng mga priba-dong kumpanya na nagbibigay ng tulong na propesyonal sa mga transaksiyon ng mga dayuhan tungkol sa imigrasyon.
Ang kurso ay pinangasiwaan ng DAP at may pa- unang suporta mula sa Rule of Law Effectiveness (ROLE) project ng United States Agency for International De-velopment (USAID) sa pakikipagtulungan sa PAGC.
Ang DAP at ang PAGC ay patuloy na pinaghuhusay ang programang ito upang mabigyan ang mga propesyonal ng pamahalaan ng kaukulang kasanayan bilang mga “graftbusters” sa kani-kanilang mga kagawaran.
- Latest
- Trending