^

PSN Opinyon

Health or stealth?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Scenario: Matrona, sasailalim ng surgery upang i-repair ang nag-leak na silicone implant. Eksena sa Operating Room: 5-4-3-2-1, general anesthesia. Sa loob ng ilang oras ay gigising. Groggy, wala sa sarili, inutil.

Karaniwan ang ganito sa mga corrective surgeries. Walang ikababahala – hindi dapat pag-aksayahan ng pag-alala. Ngunit papaano kung hindi karaniwan ang katauhan ng Matronang sasailalim sa ganitong surgery? Paano kung ang pangalan ng pasyente ay Gloria Macapagal Arroyo?

Ito ang naging puno’t dulo ng huling round ng story­telling-a-lie na nanggaling sa Palasyo. Inanunsyong pre-emptive A(H1N1) self-quarantine ang confinement ni Mrs. Arroyo – bunga ng kanyang social responsibility. Iyon pala’y nagpaayos nga, nagpa-laser removal din ng body hair at nagpa-biopsy ng mga bukol sa katawan

Karapatan ng bansang masabihan ng tunay na estado ng kalusugan ng Presidente sa lahat ng oras. Walang batas na nagsasaad nito. At kung Saligang Batas mismo ang halukayin, pinag-uusapan lamang dito ang “serious illness” ng Presidente. Subalit malala man o hindi, ang sakit o karamdaman ng Presidente ay dama ng lahat ng Pilipino. Dahil apektado nito ang kahandaan at kakaya-han niyang mamuno.

Scenario: Pinatulog na si Gng. Arroyo. Madaling-araw. Ilang oras din ang operasyon. Gigising ng hilong-hilo. Bugbog na bugbog. Pagdating ng gabi, saka lang babalik ng buo ang kanyang malay. Kinabukasan pa magiging alerto. Question: sa loob ng isang araw na ito, sino ang gaganap ng katungkulan bilang Presidente? Sino ang magdedesisyong ilabas ang mga hukbo sakaling binomba tayo ng China dahil sa Spratlys o may magtangkang mag-kudeta? Sino ang magdedesisyon sa pagsugpo sa A(H1N1) sakaling magkaroon ng general outbreak? Paano ito magagawa ng isang Presidenteng walang malay? Ligal bang iwan   ang diskresyong maka-pag­desisyon sa mga Gabi­ne­teng hindi inihalal ng tao?

Hindi hysteria ang mga warning ng ating mga senior statesman na kara­patan ng publikong mala­man kung anuman ang nangyayari sa kalusugan ng Presidente. Hindi naman hinihiling na tuwinang mag­bigay ng update sa publi-ko, kay may sakit o wala. Sana lang na kapag tama­an ng sakit – lalo na yung may kakailanganing confinement o surgery – ay tigilan na ang storytelling-a-lie. The people do not just have the right to know this information. The people deserve to know the truth.


BUGBOG

DAHIL

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

MRS. ARROYO

OPERATING ROOM

PAANO

SALIGANG BATAS

SHY

SINO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with