^

PSN Opinyon

May kapansanan sa pandinig, binasahan ng hatol!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA title pa lamang ng kolum na ito, marahil ay marami na ang natatawa, napapakamot sa ulo at di maka­pa­niwala.

Maaaring ang ilan habang binabasa ang bawat nasusu­lat sa espasyong ito kung ito ba ay totoo o nag­-pa­ patawa lamang ang BITAG.

Isa itong hubo’t hubad na katotohanan na kasalukuyang iniimbestigahan ng BITAG.

Isang reklamong sanhi ng baluktot na paggamit ng kapangyarihan bilang otoridad ng hustisya.

Nakakatawa subalit nakakaawang sitwasyon para  sa isang umano’y suspek na isang taong hindi man lang nakakapagsalita at hindi nakakarinig.

Sa salitang kalye, isang pipi at bingi ang binasahan ng hatol ng piskal na siya’y nagkasala.

Ang siste, wala man lamang representante ang sus-pek daw na sign language interpreter upang habang    siya’y binabasahan ng hatol, maintindihan niya man la­mang na siya’y nagkasala sa batas at kung ano ang kan­yang nilabag.

Ang pinakamasahol, wala ring kamag-anak ang sus-pek na nabasahan nang araw na iyon ng hatol. Ang araw na ito ay ang preliminary hearing pa lamang sa pagitan ng nagrereklamo at inirereklamong may kapansanan.

Ang kasong isinampa, paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-child Abuse, exploitation and discrimi-        nation law.

Ayon sa siyam na taong gulang na nagrereklamo    laban sa suspek na hindi nakakarinig at nakaka­pag­salita, sinit­sitan daw sila nito at ipinakita ang ari.

Nakapagsumbong ang bata sa ina at agad naman  itong naitimbre sa tangga­pan ng Barangay sa San­tolan, Pasig City kung saan dali-daling inaresto ng ba­ra­ ngay ang itinuturong suspek.

Nakulong sa istasyon   ng pulis hanggang tulu­yang maipasok sa City Jail. Su­balit laking pagtataka ng BITAG nang tunguhin na­min ang bilibid, ang bina­sang hatol, nakapetsa ng Mayo 2009.

Samantalang ang preliminary hearing na nabang­git, ginanap nitong Hunyo lamang. Malinaw na isang hokus-pokus ang naganap rito kung saan napag-ala­man naming kamag-anak ng nagreklamo ang piskal na humawak daw sa kaso.

Kasama ang National Council on Disability Affairs (NCDA), tutuldukan ng BI­TAG ang kabuktutang ito. Hahabulin at hahabulin na­min ang dapat managot at gumawa ng baluktot sa kasong ito. Abangan!

ABANGAN

AYON

CITY JAIL

DISABILITY AFFAIRS

HAHABULIN

NATIONAL COUNCIL

PASIG CITY

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with