^

PSN Opinyon

Game na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAGKASUNDO na raw ang dalawang kompanya na   nag­wagi para patuparin ang full automation ng halalan sa 2010. Kumalas ang TIM sa partner nitong Smartmatic, ma­tapos lumitaw na may mga di-pagkakasundo ang dalawang kompanya. Kung bakit ngayon lumalabas ang kanilang problema sa bisperas ng pirmahan ng kontrata ay namunga nang maraming espekulasyon at intriga. Tila may malakas na tao o grupo ang ayaw matuloy ang natu­rang automation. Dahil sa ginawa ng TIM, maraming sektor ang nagalit at nagbato ng batikos sa lokal na kom­panya. De­manda ang hinaharap sana ng kompanya kung sakaling tuluyang hindi natuloy ang proyekto. May mga usapin na sinadya talaga ito para talagang hindi matuloy ang automation. Ngayon, okay na raw at tuloy na ang planong sistema.

Pero sa aking palagay ay dapat mas lalong bantayan na ang dalawang kompanya, dahil nabawasan na nang malaki ang tiwala sa kanila ng bayan. Sa nangyaring gulo, posibleng madiskaril ang proyekto sa kahit anong bahagi pa nito. Kung totoong may tao o grupo na ayaw ipatupad ang automation, hindi sila hihinto hangga’t matamo nila ang kanilang hangarin. Kaya kahit fully automatic pa rin ang eleksiyon sa 2010, babantayan pa rin nang maraming sek-tor at grupo ang proseso. Mababawasan siguro ang tao sa mga presinto, pero may bantay pa rin. Tulad nga ng sabi ng iba, baka sa programa pa lang ng makina may dayaan na.

Nasa Comelec pa rin ang huling salita. Nasa Comelec pa rin kung talagang magiging malinis at maayos ang dara­ting na eleksiyon. Sa bagong pamumuno, umaasa ang bayan na magbabago na ang takbo ng eleksiyon sa Pilipinas. Nakita na kung ano ang mga nangyari sa pa-mu­muno ni dating Chairman Benjamin Abalos Sr. Mga ano­malya katulad ng Hello, Garci at ang lokohan sa Maguin­danao. Malalaman natin kung magiging iba ang palakad sa ilalim ni Chairman Jose Melo. Maganda na ang umpisa niya at mukhang maipapatupad sa wakas ang poll automation, na kauna-unahan sa bansa. Magan­da ang maii­wan niyang pamana kung magiging tunay      na malinis at maayos ang darating na eleksiyon, na tagum­pay na rin ng mamamayang Pilipino.

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR. MGA

CHAIRMAN JOSE MELO

DAHIL

GARCI

KAYA

KUMALAS

KUNG

NASA COMELEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with