TIYAK ako na maraming pinuproblema ang daga, ipis, langaw at langgam sa bahay. Mayroong gumagamit ng insecticide pero marami rin ang umaayaw sapagkat mapanganib sa buhay lalo na kung may sanggol. Maaaring subukan ang sumusunod na tips para makontrol ang mga “peste” sa bahay.
Para sa mga langaw: Takpang mabuti ang mga basurahan. Siguruhing ang screen doors ay pabukas-papalabas upang ang mga langaw ay hindi makapasok kapag binuksan ito. Mag-install ng window fans na ang buga ng hangin ay palabas. Make your own bait by mixing a pound of sugar, one pound baking powder, two ounces baking powder, six oz. fish meal, one fourth cup honey and two tbsp. water. Freeze in ice cube trays. Dissolve one cube in one quart of water and set container in the infested area.
Para sa mga daga: I-seal ang mga maaaring pagdaanan ng mga ito. Huwag na huwag mag-iiwan ng mga pagkain sapagkat ito ang kanilang puntirya. Matalas ang pang-amoy ng mga daga. Maaaring maglagay ng trap sa mga daga.
Para sa mga langgam: Takpan ang mga entrance o mga cracks na pinagdadaanan. Ilagay ang mga pagkain sa plastic containers na ang bunganga ay snap-onlids. Panatilihing malinis ang basurahan. Ang mainit o may sabong tubig ay mabuting i-spray sa bahay ng mga langgam.
Para sa mga ipis: Gumamit ng dehumidifier (cockroaches prefer humidity).
Linisin ang mga maaaring pagtaguan ng mga ipis – halimbawa’y mga tambak ng diyaryo. Gumamit ng boric acid bait.