NAGKASUNDO na ang Smartmatic at Total Information Management (TIM). Puwede na ba talaga sabihin na tuloy na talaga ang computerization ng eleksiyon at wala nang problema? Kahit wala pang actual na problema na lumilitaw, may mga pagdududa na lumalabas tungkol sa kakayahan at personalidad ng Smartmatic.
Sino nga ba ang nasa likod ng Smartmatic at parang napakalakas ng dating? Lumusot ang Smartmatic sa bidding, kahit hindi sila nag-submit ng proof of actual project, dahil ayon sa kanila, bawal kasi may “non-disclosure agreement” daw sila ng Venezuela. Samantala, hindi lumusot ang Avante International, dahil hindi sila nag-submit ng proof, dahil sila ay may “non-disclosure agreement” din sa kanilang project sa Singapore.
Ang Smartmatic ang supplier ng mga Direct Recording Equipment (DRE) sa ARMM election noong nakaraang Agosto, at ang Avante naman ang supplier ng Optical Mark Reader (OMR) equipment. Nakakapagtaka kung bakit ang Smartmatic ang magbebenta ngayon ng OMR equipment sa Comelec, samantalang ang kanilang dalang technology ay ang DRE.
Ayon sa Avante, nagawa raw nang Smartmatic na i-unblock ang server habang may election sa Wao, Bumbaran, Lanao Del Norte. Dahil napasok nila ang server, dinagdag nila ang boto ng tatlong members ng Board of Election Inspectors na hindi nabilang sa field. Mula sa 200, naging 203 na ang boto, at ginawa nila ito na walang paalam sa Comelec.
Kung kaya pala ng Smartmatic na magdagdag ng boto sa server habang may ginaganap pa na eleksyon, hindi ba ito ay isang uri ng dagdag bawas? Hindi ba kaya gusto ng gobyerno ang automation ay dahil pag-computerized na raw, wala ang dagdag bawas? At bakit parang mas makapangyarihan pa ang Smartmatic sa Comelec? Hindi ba supplier lang sila?
Ayon sa kanilang media kit, ang gagamitin daw ng Smartmatic sa 2010 elec-tion ay ang ModelSAES 1800. Nabisto tuloy sila na hindi nila gawa ang modelo na ito, dahil gawa ito ng Dominion Voting Systems ng Canada. Ano ito? Nag-aahente lang ba ang Smartmatic para sa Dominion? Sa madaling sali ta, nangungumisyon lang ang Smartmatic sa usapang ito!