^

PSN Opinyon

Mga pasubali't agam-agam sa darating na 2010 election

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMI nang pulitikong Pinoy ang naglilibot dito sa Amerika. Nangangamusta lamang daw sila at gustong tumulong kung may kailangan ang Pil-Ams. Alam ko, hindi talaga ito ang pakay ng mga pulitiko. Naririto sila para magpakilala nang sa ganoon ay makuha nila ang boto ng kanilang mga kababayan dito sa Amerika sakali mang tatakbo sila sa 2010 election.

Maraming Pil-Am ang naguguluhan sa nangyayaring pulitikahan ngayon sa Pilipinas. Marami silang katanu­ngan: Matutuloy ba ang election sa 2010? Kung matu­tuloy, ito ba ay presidential system pa rin o parliamentary system? Kung matuloy ang electon, automated kaya o manu-mano? Kapag manu-mano ang election sa 2010, madali na namang mandaya ang mga sakim sa kapangyarihan.

Sana naman, matuloy ang automation para maka­alpas na ang bansa sa mabagal, magulo at madayang botohan. Kung matutuloy ang automation, malalaman agad ang resulta ng halalan sa loob ng 36 na oras. Hindi katulad ng lumang sistema na tumatagal ng apat hang­gang limang linggo bago malaman ang resulta.

Marami pang maaaring mangyari bago sumapit ang 2010 election at nasa kamay ni GMA ang lahat ng mga ito. Kailangan niyang mapanatili ang malakas na posisyon para mabigyan siya at kanyang pamilya ng proteksiyon matapos ang termino. Maraming akusasyon sa kanya kaya kailangan niya nang makakapitan nang sa ganoon hindi siya masingil ng mga kritiko at kalaban sa pulitika.

ALAM

AMERIKA

KAILANGAN

KAPAG

MARAMI

MARAMING

MARAMING PIL-AM

MATUTULOY

NANGANGAMUSTA

NARIRITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with