^

PSN Opinyon

Kaya pa natin 'to

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Ang mando ng isang independiyenteng Constitutional Commission on Elections ay ang masiguro ang free, honest, credible, open at peaceful elections. Sa pre-martial law years, ang Comelec ay itinuring na isa sa pinaka-epektibo, strikto at marangal na ahensya dala ng pagka­roon nito ng mga hinahangaan at maaasahang pinuno tulad ni Chairman Jaime Ferrer. Noon pa lang ay batid na nila na kung ang mando ng Comelec ay maipapatupad, kinakailangan ang tulong ng isang tapat at walang kinikilingang citizen’s arm upang magsilbing tagabantay at tagapagtanggol ng malaya at malinis na halalan. Dekada ’60 noong kinontrata mismo ng Comelec ang National Movement for Free Elections (Namfrel) na maging kapartner nitong kapatas ng eleksyon.

Sa martial law years, umpisa na sa 1978 Interim Batasang Pambansa elections, biglang naglaho ang kredi­bilidad ng Commission. Nabawi na lamang ito matapos ang 1986 EDSA people power sa pamamalakad nina Chairman Felipe, Yorac, Monsod, Pardo, Demetriou at Benipayo. Of course, alam nating lahat ang karanasan ng bansa sa ilalim ni Chairman Abalos at Commissioner Garcillano. Napakalalim na sugat ang natamo ng bansa sa pinabayaan nilang pandaraya noong 2004 Presidential Elections.

Hindi pa man naibabalik ang tiwala ng tao ay heto’t nagbibitiw ng pananalita ang Comelec na ang pagbalik sa manu-manong sistema ay pagbalik sa sistema ng pandaraya. Ang malinis na eleksyon ay isa sa pundasyon ng epektibong demokrasya. Kailangan ng bansang mani­ wala na gumagana at walang depekto ang mekanismong magpapatotoo sa ka­nilang desisyon. Paano lalakas ang loob ng tao sa ga­nitong pahayag na mis­tulang surrender na ang Comelec sa dayaan?

Mabuti’t nandyan pa rin ang citizen’s arms tulad ng Namfrel at PPCRV, pare­hong pinangunguna­han ni Ambassador Henrietta de Villa. Di tulad ng Comelec, ang unang reaksyon ni Amb. De Villa ay magha­handa ang kanyang orga­ni­­sasyon ng “flexible plan” upang hindi maisahan. Computerized man o manu-mano, haha­ra­pin nila ang anumang kala­unan.

Ang attitude ni Amb. De Villa ang kinakaila­ngang i-xerox ng Co­melec at kung hindi’y tuluyan nang ma­wa­walan ng bisa at ka­buluhan ang anopamang paghahan­dang gagawin nila. Ang tiwala ng tao sa proseso ng halalan ay ang pinaka­matatag na sandata ng pag­tagum­pay ng isang de­mo­krasya. Kapag ito’y nag­laho, ang demokras­ya’y tiyak guguho.

vuukle comment

AMBASSADOR HENRIETTA

CHAIRMAN ABALOS

CHAIRMAN FELIPE

CHAIRMAN JAIME FERRER

COMELEC

COMMISSIONER GARCILLANO

CONSTITUTIONAL COMMISSION

DE VILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with