^

PSN Opinyon

Hulidap sa Pasay, hulog sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Sa kabila ng babala ng National Capital Region Police Office, sa ilalim ng tanggapan ni Gen. Roberto “Boysie” Rosales laban sa mga pulis hulidap, may mangilan-ngilan pa ring sumuway at ipinagpatuloy ang modus na ito.

Walang kawala ang ilang pulis-Pasay nang ipahilera sila ng kanilang hepe at ituro sila ng kanilang mga biktima. Dahil sa utos ni Gen. Rosales, na-relieved sa puwesto ang mga hulidap na pulis.

Huling araw ng Hunyo nang lumapit sa Mission X at BITAG ang isang ginang. Kasalukuyang nasa presinto ng Pasay daw ang kaniyang mister. Hunyo 27 pa lamang daw nang ipasok ito sa loob ng kulungan, dito na rin sila hiningian ng P20,000.

Ayon sa ginang, nauna na silang nakapagbigay ng limang libong piso, dahilan upang ilabas ng selda ang kanyang mister. Ang masahol dito, pinayuhan pa raw siya ng mga buwayang pulis na iwanan muna ang kanyang sanggol na anak sa kanyang mister at maghanap na siya ng perang pambuno sa kanilang hinihingi.

Partida raw ito dahil kung sa taas manggagaling ang utos, dalawandaang libong piso. Discounted na raw sa kanilang mga pulis na nasa ibaba na nagkakahalaga lamang ng P20,000. Brutal ang estilo ng mga pulis hulidap na ito ng Pasay, ultimo sanggol na walang kamalay-malay, nadamay sa kanilang kasibaan at kagaguhan.

Estilo ng Mission X at BITAG na hindi pinatatagal ang ga­nitong mga sumbong at kaso. Agad rin naman ang aksiyong ipinakita ng NCRPO at ng hepe ng Police Station sa Pasay.

Katatapos lamang noong nakaraang linggo ang panghu­huli­dap ng mga pulis ng Anti-drugs sa Station 10 sa Quezon City sinundan agad ito ng kanilang kabaro sa Pasay. Paulit-ulit at patuloy na ginagawa ang raket na ito ng mga ilang putok sa buhong alagad ng batas na sumisira sa hanay ng mga matitinong pulis.

Kinakailangan sigurong mas matindi pa ang gawing parusa ng pamunuan ng Philippine National Police sa mapapatunayang nagsasa­gawa ng hulidap. Sa Mission X at BITAG, isang paraan lamang ang aming gagawin upang bigyan ng katarungan ang mga naging biktima ng hulidap. Dito, siguradong liliit ang mundo at pagsisisihan ng mga pulis-hulidap kung bakit pa nila ito naging propesyon.

Panoorin ang buong istorya ngayong darating na Sabado sa IBC 13, alas-9 ng gabi. Mukhaan ang mga walang kahiya-hiyang pulis na naging anay ng lipunan dahil sa kanilang mga kaga­gawan.

HUNYO

KANILANG

MISSION X

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE STATION

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with