^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabagal umusad ang Dacer-Corbito case

-

MAG-IISANG buwan na mula nang makabalik sa bansa si dating police officer Cesar Man­cao, pero hanggang ngayon ay wala pang nakikitang liwanag sa pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Em­manuel Cor­bito. Bumalik sa bansa si Mancao noong Hunyo 4 makaraan ang siyam na taong pananatili sa America. Isinasangkot siya sa pag­patay kay Dacer at Corbito noong Nobyembre 2000. Bukod kay Mancao, sangkot din sa pagpatay sina dating police officers Michael Ray Aquino at Glenn Dumlao. Umano, naka­takda na ring duma­ting sa bansa si Dumlao, pero wala pa rin itong kaseguruhan. Si Aquino ay kasa­lukuyan namang nakakulong sa US jail dahil sa espionage. Maha­bang taon ang bubunuin niya bago makalaya.    Ang tatlo ay mga dating miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na ang hepe ay si Panfilo Lacson, ngayon ay senador.

Akala nang marami, kapag nakarating na si Mancao ay agad nang uusad ang kaso sa pag-patay kina Dacer at Corbito pero malaking pag­kadismaya dahil wala pa ngang nakikitang liwa­nag. Kamakalawa ay naghain ng “not guilty” si Mancao sa Manila Regional Trial Court. Sinabi ng abogado ni Mancao na “not guilty” ang hinain ng kanyang kliyente dahil wala naman talaga itong kasalanan. Inosente umano si Mancao sa kasong kinasa­sangkutan.

Nang araw ding iyon ay pormal nang inilagay si Mancao bilang state witness sa double murder case. Ayon kay Justice secretary Agnes Deva­nadera, inilagay na nila sa Witness Protection   Program si Mancao dahil nakapasa ito sa criteria at isa pa’y marami na ang nagtatangka sa buhay   nito. Ka­salukuyang nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation ang dating police officer.

Maraming nag-aabang sa karumal-dumal na ka­ song ito kaya naman dapat nang malantad ang mga nasa likod ng pagpatay.

Ngayong nasa bansa na si Mancao, magka­roon sana ng katotohanan na uusad nang mabilis ang kaso nina Dacer at Corbito.

AGNES DEVA

CESAR MAN

CORBITO

DACER

GLENN DUMLAO

MANCAO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MICHAEL RAY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with