Suspek sa hit and run, tinugis ng HPG at BITAG!

Nakasanayan na ng ilang motorista na umiwas at tumakbo sa kanilang mga kinasasangkutan sa kalsada.

Isa na rito ay mga aksidenteng hindi naman kagus­tuhan ng motoristang nagmamaneho ng kanilang sa­sakyan.

Subalit madalas, imbes na panagutan at harapin ang kasalanan, tinatakbuhan at walang kaabug-abog na tinatakasan ang kanilang pananagutan.

Ganito ang nangyari sa labing-isang taong gulang na batang lalaking lumapit sa BITAG. Kasama ang kanyang umiiyak na ina, ipinakita nito sa BITAG ang binting halos lumabas na ang buto sanhi ng pagkakabangga.

Ang masaklap nito, tinakbuhan siya ng drayber nang nakabanggang motor. Mabuti na lamang at isang jeepney driver ang nakasaksi sa pangyayari at nakuha ang plaka ng suspek.

Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang BITAG sa tanggapan ng Land Transportation Office-Verification   Section upang matukoy kung sino ang nagmamay-ari at kung saan nakatira ang tumalilis na suspek.

Sa beripikasyon ng LTO, sa Navotas matatagpuan ang nagmamay-ari ng na-plakahang motor.

Kaya sa tulong naman ng Highway Patrol Group-National Capital Region (HPG-NCR) natunton ng BITAG ang address ng nagmamay-ari ng nakabanggang motor.

Subalit wala sa nasabing lugar ang suspek kung     kaya’t isang imbitasyon na lamang ang iniwan ng HPG-NCR sa kanilang tanggapan.

Nitong Lunes ng hapon, sumulpot ang suspek na naka­bangga sa labing-isang taong gulang na biktima. Hindi na ito pinalampas ng BITAG at tinungo namin ang tang­gapan ng HPG-NCR upang makaharap ang kolokoy.

Wala na itong kawala, ang kanyang dahilan, hindi niya raw napansin na nasugatan ang bata kaya’t dumire-diret­ so na lamang siya ng alis.

Sa BITAG, hindi pinag-uusapan kung nasugatan o hindi ang isang biktima, kung kagustuhan o hindi kagus­tuhan ang aksidente o kung sinasadya o di sinasadya ng nakabangga.

Bilang isang motorista, may obligasyon at responsi­bi­lidad na dapat sinusunod ka­palit ng pribilehiyo ng pag­­ka­ karoon ng lisensiyang mag­­­ma­neho.

Isang magandang aral din sa kasong ito ang partisi­pasyon ng mga witness o saksi sa mga insidente. Dahil sa kanilang mga impor­mas­yon sa nakitang kaganapan, madaling nareresolba ng mga alagad ng batas ang pro­ble­mang tulad nito.

Mensahe naman ng BI­TAG sa iba pang motoristang nagbabalak tumakbo sa kanilang mga aberya sa kal­sada, oras na kayo ang mai­sum­bong sa aming tangga­pan, hindi kami mangingi-ming tugisin kayo sa tulong ng LTO at HPG.

Magtago lang kayo nang magtago, sisiguraduhin ng BITAG kasama ang HPG na pananagutan at pananagu-tan niyo sa batas ang inyong nagawang kasalanan.


Show comments