Anong hocus-pocus ito? Parang bulang naglaho ang dalawang malalaking replicating machine at iba pang gamit sa paggawa ng mga pirated optical media materials kamakailan. At ang mga ito’y naglaho habang nasa pag-iingat daw ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na pinamumunuan ni Antonio Villar. Umm, dapat busisiin ni Villar ang insidenteng ito.
Ilang beses na nating napuri si Usec Villar sa magandang operasyon ng PASG pero ngayo’y medyo nagtataka tayo at nagtatanong lang para malinawan ang usapin. Matibay na ebidensya sana ang mga iyan laban sa mga utak sa pamimirata ng DVD. Diyan umaasa ang Optical Media Board (OMB) para sa pagsampa ng kaso laban sa mga natiklong Malaysian at dalawang Pinoy na katulong sa pamemeke ng mga CD, VCD at mga DVD.
Ang mga naturang makinaria at iba pang mga katibayan ay nasabat nang salakayin ng magkasanib na pwersa ng OMB at PASG ang isang iligal na pabrika ng counterfeit audio-visual materials sa Quezon City noong Abril, 2009
Galit na galit naman si Edu Manzano na hepe ng OMB sa pangyayari. Buong tiwalang inilagak sa kos- tudiya ng PSG ang mga ebidensya tapos mawawala lang?! Nag-matigas daw ang mga ahente ng PASG na sila ang may karapatan sa kustodiya ng mga ito. Ni ayaw umanong palapitin ang mga taga OMB sa naka-padlock na lugar upang hakutin ang mga makinarya at iba pang replicating paraphernalia.
Ang nangyari tuloy – walang ebidensya, walang kaso! Paano ka nga naman makapagdedemanda nang walang bitbit na ebidensya? Ang tanong ngayon ay bakit tila tulala ang PASG nang tanungin ng media tungkol dito at ang nasabi lang ay hindi raw nila alam kung ano ang nangyari? Ayaw naming isiping nagkaroon ng “cash-sunduan” para makalusot ang mga suspek.
May nabanggit si Usec na P10 milyong alok ka-palit ang pagsasauli ng mga replicating machine na nagkakahalaga umano ng P‘100 milyon. At siya’y naghamon na magsaga-wa ng congressional inquiry na malugod namang sinangayunan ni Man- zano para talagang magkaalaman na.
Paano mabubuwag ang mga sindikatong pirata kung pati ang mga ahen-siya ng gobyerno ay ayaw magkapit-bisig at sa hallip ay nagbabanggaan?
Sa kasong ito, ni ayaw daw sumali sa pagsasam-pa ng criminal case ang mga taga PASG laban sa mga natiklong dayuhan at dalawang kasama nito.