Research ukol sa Pinoys sa US
Nabasa ko sa Asian Journal, respetadong Pil-Am newspaper sa California, ang research ni Prof. Antonio Villegas ng College of Alameda at University of San Francisco ukol sa mga Pinoys sa US. Ayon kay Villegas, isa ang mga Pinoy sa mga malalakas gumastos sa US. Pumapangalawa daw sa Indians. Ang research ni Villegas ay tinalakay naman sa isang media forum ng Philippine American Press Club-USA at Asian American Advertising Federation.
Nalaman din sa forum ang kalagayan ng Asian-Americans at Pil-Ams sa panahong ito ng economic crisis. Nalaman din ang pag-uugali ng Pinoys halimbawa kung namimili ng pagkain at mga kagamitan. Sa pananaliksik ni Villegas, natuklasan nila kung sino at ano ang Pilipino sa Amerika. Saan ba sila tumitira? Anu-ano ba ang kanilang mga binibili?
Ang Pil-Ams diumano ang may pinakamataas na employment rate (68.9 percent) kumpara sa 64.8 percent overall nationwide. Sixty three percent ng Pil-Ams ay nagbabanko sa pamamagitan ng online computer at 75 percent ay gumagamit ng ATM.
Ang isa pang nakagugulat, 5.5 percent lamang ng Pil-Ams ang nasa poverty line. Ibig sabihin, talagang kaunti lamang ang mga naghihirap na Pinoy dito sa Amerika. Gumagastos ang Pil-Ams ng $147 bawat linggo sa kanilang groceries. Paborito nilang binibilhan ay McDonalds, Wal-Mart at Costco. Ninety three percent sa kanila ay nagre-recycle.
Ang research ni Villegas ukol sa mga Pilipino sa Amerika at Asians ay kapaki-pakinabang. Nalaman natin na hindi naman pala masama ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Amerika kahit taghirap dito ang buhay.
- Latest
- Trending