^

PSN Opinyon

Sindikato sa Comelec namemeke ng balota

SAPOL - Jarius Bondoc -

Merong sindikato sa Comelec na namemeke ng balota, precinct returns, at iba pang dokumentong panghalalan. Natalisod ito ng batikang election lawyer Romy Macalintal habang inaasikaso ang isang kliyente. Nag-report siya agad sa commissioners. Kataka-taka, dinedma lang nila siya. Ito’y matapos nilang paboran ang kalaban na nakinabang sa pekeng papeles.

Nagsimula ang lahat nang iprotesta ni talunang Esgardo Tallado ang proklamasyon nu’ng 2007 ni Cama­rines Norte Gov. Jesus Typoco. Umano’y maraming “manifest errors” sa statement of votes by precinct (SOVP) sa bayan ng Labo. Isinampa ang kaso 110 araw makalipas ang proklamasyon, pero tinanggap pa rin ng Comelec first division miski nililimita ng batas ang mga ganoong kaso sa loob ng limang araw lang mula pro­ klamasyon. Giit ng division members na may kapang­yarihan silang ibahin ang rules. Nu’ng Abril 2008 idi­neklara nila si Tallado na umano’y nagwagi nang 65 boto.

Hinirang ni Typoco si Macalintal na mag-motion for reconsideration sa en banc. Ang unang ginawa ng abo­gado ay hingin sa records office ang SOVP ng Labo, na basehan ng desisyong maka-Tallado. Laking gulat niya nang sabihin ng office chief at staff na peke ang doku­mento at malaki ang pagkakaiba sa karaniwang SOVP. Isiningit ito ni Macalintal sa motion.

Ganunpaman nu’ng Peb. 2009, kumatig ang mayorya ng en banc sa desisyon ng division pabor kay Tallado. Paki­wari ni Malalintal matagal nang inakda nina Commissioners Nicodemo Ferrer (ponente), Leonardo Leo­nida, Lucenito Tagle, at Armando Velasco ang ruling, bago pa niya madiskubre ang pamemeke. Si Commissioner Rene Sarmiento   lang ang kumontra, at nagmung­ka­hing bilangin muli ang boto sa Labo. At pahabol lang, inutos ng en banc sa NBI na imbes­tigahan ang umano’y pa­memeke.

Naghukay din si Maca­lintal. Napansin niya sa logbook ng records office na ni hindi pala hiningi ng ma­yorya ang SOVP ng Labo. Umasa lang sila sa sabi-sabi ni Tallado ng “mani-fest errors.” Nu’ng Mayo kinum­pirma ng NBI ang forgery. Pero hanggang ngayon wa­lang aksiyon ang Comelec.

ARMANDO VELASCO

COMELEC

COMMISSIONERS NICODEMO FERRER

ESGARDO TALLADO

JESUS TYPOCO

LABO

LEONARDO LEO

SHY

TALLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with