^

PSN Opinyon

Estilong HULIDAP, basa na sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NOTORYUS ang Quezon City Police District- Anti Illegal Drugs Unit kung HULIDAP ang pag-uusapan.

Ito ay base sa record ng BITAG kung saan mula 2005, 2006, 2007 at maging sa taong kasalukuyan, nang maka­tanggap na ang BITAG ng sunod-sunod na sum­bong mula sa mga kamag-anak ng mga biktima ng mga hulidap.

Iisang modus, iisang estilo, nagkakaiba-iba lamang ng presyo ng hinihingi ng mga suspek.

Ginagamit ang kanilang pagiging alagad ng batas sa panghuhuli ng mga inosente. Pangunahing nagiging biktima ng mga mapang-abusong alagad ng batas sa   likod ng hulidap, mga negosyanteng Muslim.

Ang siste, kinakasangkapan ang ipinagbabawal na droga, mapalabas lamang na may nilabag sa batas ang kanilang mga biktima.

Ang nakakatawa, ang kanilang mga biktima ay walang karecord-record ng anumang may kinalaman sa droga kundi mga maliliit o malalaking negosyante lamang.

Tatakutin ang asawa, anak at kaanak nang kawawang biktimang hinuli na nakuhanan raw ng droga sa katawan ang kanilang huli at oras na maisampa ang kaso ay no bail o walang piyansa ang kaso.

Ibig sabihin, hindi na raw makakalabas sa kulungan ang kanilang huli kaya’t bilang kapalit, upang wala nang usap, wala nang kaso at wala nang kulong, magbayad na lamang ang kaanak ng presyong tama.

Hindi bababa sa isandaang libong piso ang hingian at madalas umaabot pa ito ng kalahating milyon na talaga namang nagpapaikot ng puwit ng mga kaanak kung saan hahanapin ang perang pambayad.

Kumplikado ang ganitong kaso sa BITAG lalo na’t kung mapapatunayang   mga pulis nga mismo ang nanghi­hingi ng pera. Ang tangi din lamang naming na­a­la­pitan para sa isang ope­rasyon laban sa mga pulis-hulidap ay mga kapwa ala­gad ng batas rin nila mismo.

Dito na ang problema dahil hindi man aminin ay nagkakaroon ng alinlangan ang mga alagad ng batas na hulihin ang kanilang kabaro lalo na’t kung ang transak­siyon ay gagawin sa loob mis­mo ng istasyon ng pulis.

Kung ganito man ang pro­­blema, may nakahan­dang paraan ang BITAG. Estilong magbibigay ng ka­tarungan sa mga lumapit at nagtiwalang biktima sa amin.

Nagtatakbuhang parang mga daga na nakakita ng pusa ang nagiging eksena kapag pinasok na namin ang kanilang teritoryo na lugar naman ng kanilang tran­saksiyon.

At talagang wala silang kawala sa BITAG dahil la-hat ng transaksiyon at pag-uusap ay recorded o doku­mentado sa aming tang­ga­pan na hindi nila puwedeng itanggi.

Ganunpaman, manana­tiling inosente ang mga sus­pek na pulis hangga’t mapa­tunayan ang kanilang pag­kakasala sa hukuman.

Kaya’t sa iba pang nag­tatangkang gawin muli ang modus ng hulidap, paalala lang lalo na sa mga unit ng anti-illegal drugs ng Quezon City, hindi kayo nilalahat ng BITAG.

Pero oras na mailapit kayo sa aming tanggapan, hinding-hindi namin kayo sasantuhin!

BITAG

DITO

DRUGS UNIT

ESTILONG

GANUNPAMAN

GINAGAMIT

KANILANG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with