^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa mga Pilipino sa Kuwait

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

SINAMANTALA ng aming panganay na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang session break ng Senado upang makasalamuha ang mga overseas Filipino workers sa Kuwait at matukoy kung paano sila mabibigyang proteksyon sa pamamagitan ng pag-akda at pagpapaigting ng mga batas.

Gayundin, pinasalamatan at pinasaya ni Jinggoy, Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE), ang libu-libong OFWs doon sa pama­ magitan ng libreng pagpapalabas ng kanyang peliku-lang “Katas ng Saudi.” Ang libreng screening na ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ating mga kababayan sa Kuwait ng Araw ng Kalayaan.

Bukod sa pagiging mahusay na pelikula at makato­tohanang paglalahad ng buhay ng isang OFW, ang “Katas ng Saudi” ay naipalabas bilang bahagi ng reintegration program ng Department of Labor and Employment. Pag­ka­tapos ng screening at gamit ang mga eksena sa pelikula bilang halimbawa, nagkakaroon ng seminar at talakayan tungkol sa wastong pagpapalago ng pera, pagne-ne­gosyo, counseling tungkol sa problema sa pa­milya, paghahanda sa pagreretiro, re-training, at pag­hahanda sa pagbabalik-bayan.

Pasasalamat. Sa ngalan ni Presidente Erap at aming anak na si Sen. Jinggoy Estrada, nagpapasalamat kami sa naging mainit na pagsalubong sa amin ng ating mga kapwa Pilipino sa Kuwait.

Nais din naming mag­pasalamat sa lahat ng tu­mulong sa aming delegas­yon, sa pangunguna na ni Ambassador Ricardo En­daya, Vice Consul Rea Oreta, Labor Attaché Jose­phus Jimenez, Dr. Chie Umandap, Welfare Officer Yolly Peñaranda, Mr. Fran­cis Roque, Mrs. Marie Pa­lacios Al-Ameri, Mr. Willie Lao, Mr. Manny Cornelio, Mr. Manuel Galicia, Mr. Benjie Ugaban, Mr. Anthony Julaton, Mr. Mickey Men­doza, Mr. Allan Tolentino at Ms. Marcy Sy. Salamat din sa mga community lea- ders sa Kuwait na nagi- ging kaagapay ng ating OFWs.

Gayundin sa mga Pilipi­nong staff ng Costa del Sol Hotel, Marina Hotel, Qatar Airways at Avenues Mall na nakilala namin, nag-asi­kaso sa buong delegasyon at patuloy na nagtata­gu-yod ng kabutihan at kaga­lingan ng mga mang­ga­gawang Pilipino sa iba­yong-dagat. Mabuhay po kayo!

 Sa mga gustong lumi­ham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the   Phi­lippines , GSIS Bldg., CCP Com­plex, Pasay City.

Ipag­paumanhin po nin­yo na hin­di tinutugunan ng tangga­pan ang mga solicitation letter.

AMBASSADOR RICARDO EN

AVENUES MALL

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DR. CHIE UMANDAP

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

GAYUNDIN

JINGGOY ESTRADA

KATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with