^

PSN Opinyon

Outstanding Manilans

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Sa pangunguna ni dating Pangulo Corazon C. Aquino, labing-isang Outstanding Manilan ang pinarangalan ng Lungsod bilang mga huwaran ng kabutihan. Taon-taon ay ginagawaran ng award ang mga bayaning pina­nganak, tumira o nagtatrabaho sa Maynila na may ma­timbang na kontribusyon sa pag-unlad ng Maynila at ng kanyang kinasasakupan.

Motibasyon, pagkilala – iilan lang ito sa dahilan kung bakit may ganitong seremonya. Sa larangan ng civic leadership, entrepreneurial leadership, business development, telecommunications and broadcasting, education, media, environmental advocacy, government service, law, medicine atbp., sinusuri ng mabuti ng Committee ang mga accomplishment ng nominadong Manilenyo upang malaman kung sino ang susunod sa mga yapak ng nauna nang mga awardee.

BIlang isang residente, isa tayo sa nagpapasalamat sa pagkakataong makilala ang buhay ng mga magiting na bayani ng Maynila. Bilang opisyal naman ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), hangarin din ng pamunuan na makilala ng mga taga Maynila, lalo na ng mga istudyante, ang kanilang mga bayani na umaabot na ng halos 150 mula nang 1980. Pinaplano ng PLM administration na ipangalan ang mga classrooms sa bawat kolehiyo sa mga Outstanding Manilans. Halimbawa, sa College of Law, ipapangalan kina Justice Cecilia Muñoz Palma (awardee for law 1988) atbp.; sa College of Medicine, ipapangalan kay Dr. Juan Flavier (awardee for community leadership), etc.

Kamakailan lang ay nagsalita si former President Fidel V. Ramos sa PLM sa leadership forum ni PLM President Atty. Adel A. Tamano. 1992 to 1998 ang termino ni FVR subalit mayorya ng mga college student ay hindi na naalala ang kanyang pamunuan. Kulang sa exposure ang kabataang Lungsod sa ganitong mga kuwento ng pamumuno at paglilingkod.

Sa ganitong paraan, mabibigyan ang kabataan ng Maynila ng inspirasyong hango sa tunay na buhay. Mas may “dating” ika-nga ang mga karanasan ng mga taong galing din sa katulad na background; sa iisang komunidad; maaring kapitbahay o kababata upang magsilbing inspiras­yon na tularan. Sa mga awardee ng 2009, binabati po kayo ng REPORT CARD.


vuukle comment

ADEL A

COLLEGE OF LAW

COLLEGE OF MEDICINE

DR. JUAN FLAVIER

JUSTICE CECILIA MU

LUNGSOD

MAYNILA

OUTSTANDING MANILAN

OUTSTANDING MANILANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with