^

PSN Opinyon

DAR, umaksyon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KINAKALKAL ni DAR Asec for Administration Narciso B. Nieto, ang mga kontrata dyan sa Department of Agrarian Reform mata­pos siyang atasan ni DAR Secretary Nasser Pangandaman na rebisahin ito at pag-aralan kung may mga gagong nakapasok sa kanilang office.

Binubusisi ni Nieto, ang anggulo regarding sa mga ghost employees na napaulat last week sa ORA MISMO, kung totoong may nagmumulto sa kanila.

Sinabi ni Nieto, na walang puwang para sa DAR ang sindikato at kung mayroon man nag-ooperate dito hindi ito magtatagal dahil mabubuwag agad sila.

Ayon kay Nieto, dito aniya galit si Secretary Pangan­daman sa mga gumagago sa gobierno para lustayin ang pera ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa mabilis na aksyon nina Secretary Pangandaman at Asec Nieto na hindi makakaporma ang mga kamote sa DAR.

Abangan.

DOTC Secretary Mendoza, nakialam sa gulo sa LTO

GUSTONG malaman ni DOTC Secretary Larry Mendoza ang kaguluhang nangyayari sa Land Transportation Office dahil ang mga legitimate media practitioner todits ay nagsumbong sa Alyansa ng Filipino Mamamahayag porke sinusupil ang kanilang karapatan para makapaghatid ng malayang pamamahayag at ang pinakamasama ay pinalalayas sila sa kanilang press office kasi panay ang sulat nila ng mga negatibong report regarding sa mga bugok na official sa nasabing ahensiya.

Sabi nga, mas malala daw ngayon kaysa noong araw?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Isa sa dahilan ng pag-aksyon ni Larry sa LTO, because sa letter­men este mali letter pala na ipinadala sa kanyang tanggapan ni Mr. Jerry S, Yap, pangulo ng Alyansa ng Filipino Mamamahayag o AFIMA at NPC director na inirereklamo ang pagsupil sa ‘PRESS FREEDOM.’

Dahil dito, may ultimatum ng 5 days si LTO Chief Arturo Lomibao na sagutin ang letter ni Secretary regarding sa letter naman ni Jerry.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, at ang AFIMA kung bakit pinag-iinitan at pinanghihimasukan ng mga bugok na official sa LTO ang trabaho ng ligitimate media na kumo-cover dito baka akala ng mga kamote ay ‘MARTIAL LAW’ pa!

Ang problema ay baka ang mga kamote sa LTO ay hindi tumagal sa pustura nila kapag nag-aklas ang AFIMA versus Land Transportation Office.

Ika nga, may ibuga kaya sila?

Hindi lang pala kay Secretary Mendoza nagpadala ng letter of complaint ang AFIMA kundi pati sa malakanin este mali Malacañang pala.

Sabi nga, lagot kayo!

Sa reklamo ni Angie dela Cruz, pangulo ng LTO Press Corps, naggagalaiti sa kanila ang mga bugok na official dito ng maglabas sila ng mga negatibong balita regarding sa mga umano’y anomalya ngayon sa LTO dahil mas matindi daw ngayon kaysa noon.

Ayon kay Angie, kailangan palayasin sila sa kanilang press office para manahimik.

“Kamote, talaga itong si malditas.”

Marami kasi ang gustong sumipsip sa bagong grupo kaya panay ang isip ng paraan ng mga gagong ito para patahimikin ang media. Tama ba, malditas?

Si malditas, ay sinasabing LTO official na tambak ang kaso sa Ombudsman kung bakit ito hindi pa naaksyunan iyan ang huli lang ang nakakaalam.

Hindi pa dito natapos ang kalbaryo ng mga pobreng reporters dahil ginawan ng grupo ni malditas na magpatawag ng maagang election ang mga pobreng alindahaw.

Ang siste, ang grupo ay hindi tinalo sa election held last Friday.

Ika nga, congrats!

Kambiyo issue, ang hakbang pala ay ginawa ni Larry na inatasan nito si Atty Doroteo A. Reyes II, Undersecretary for Civil Aviation & head Executive Assistant ng DOTC hinggil sa reklamo ni Yap kay Lomibao na disiplinahin niya ang mga taong nasa likod ng kaga­guhan pagsupil sa media.

Ayon kay Angie, nag-umpisa ang hindi magandang ugnayan ng kanilang grupo at ng LTO bugok officials ng magsulat sila ng mga negative reports sa tungkol   sa leadership ni Lomibao.

‘May mangyari kaya sa reklamo ng AFIMA kay Larry?’ tanong ng kuwagong inaapi.

‘Kaya nga pinagpapaliwanag na si Art within five days dahil nairita si Larry’ anang kuwagong mangongotong.

‘Ano ang mangyayari sa reklamo ng AFIMA?’ tanong ng kuwagong fixer sa LTO.

‘Paano si malditas?’

‘Kamote, iyan ang hintayin natin.’

Abangan.

ANGIE

AYON

FILIPINO MAMAMAHAYAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

NIETO

SECRETARY MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with