^

PSN Opinyon

The next battleground

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Pastoral statement na ang katapat ngayon ng Kon­seho ng Maynila laban sa ipinasang Ordinance 8187 sa Pandacan Oil Depot. Mismong si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mangunguna sa isang signature campaign na bahagi ng planong People’s Initiative upang amyendahan ang nasabing Ordinansa.

Ang People’s initiative ay isa sa mga pagbabagong hatid ng 1987 Constitution na kumikilala sa patakarang: “Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng samba­yanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awto­ridad na pampamahalaan.” Sa R.A. 6735, pinatoto­ha­nan ng Kongreso ang karapatan ng taumbayan na mag­panukala ng direktang amyenda sa mga ordinansang ipinapasa ng kanilang mga sanggunian.

May laya mang subukan ng mga residente ng Maynila ang ganitong paraan ng pakikilahok sa pamamahala, sana’y malinawan muna nila ang mga isyu na kanilang haharapin. Una: Mali daw ang Konseho sa ginawa nitong pagbigay permiso sa Oil Depot sa kabila ng naunang desisyon ng Mataas na Hukuman na kumumpirma sa dating ordinansang nagpapatanggal dito. Ang sagot dito ay simple. Kung ito ang paniwala ng bagong Konseho, hindi paglabag sa batas ang ginawa nilang pagbabago ng isip.

Bilang kinatawan ng mga residenteng bumoto sa kanila, ang kanilang boto sa Konseho ay tinuturing na boto rin ng kanilang kinasasakupan. Ganitong kabigat na timbang ang binibigay sa kanilang desisyon dahil sa kato­tohanang wala nang iba pang representante ang mas nakakaalam ng sentimyento ng taong bayan. Kaya kesyo sumasang-ayon o hindi sa kanilang ipinasa, kapag pasado na – iyon na yun.

Pangalawa: Sa ka­bilang panig naman – bukambibig ng ilang konsehal na na­paka­la­ki ng mawa­wala sa Lung­sod kapag tinang­gal ang Depot. Maaring tu­too ang ar­gumento kung tra­baho ang pinag-uu­sapan. Su­balit kung kon­tri­busyon sa pamama­gitan ng pag­bayad ng buwis ang ba­tayan – walang maipag­ma­ma­laki ang mga Kom­pan­yang ito dahil mula nang nag­umpisa sila ng ope­ras­yon, nilaba­nan nila la­hat ng hak­bang ng pa­mahalaang lungsod na kumolekta ng business tax upang maki­bahagi ang May­nila sa kanilang kinikita.

Anuman ang ipina­sa ng Konseho, dapat lang na han­ da silang ipagtang­gol ang kani­lang desisyon sa harap ng gagawing peo-ple’s initiative. Mala­king   bag­ay ito tungo sa mas ma­gandang pag-una­wa ng bayan sa lahat ng panig ng usaping Oil Depot at pati na rin sa direct democracy na hatid ng People’s Initiative.


ANG PEOPLE

KANILANG

KONSEHO

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

MAYNILA

OIL DEPOT

PANDACAN OIL DEPOT

SA R

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with