EDITORYAL - Paigtingin ng PNP ang pagbabantay sa mga estudyante

NAKAAALARMA ang pagkalat ng AH1N1 flu virus na karaniwang ang mga estudyante ang tinatamaan. Kaya naman maraming paraan na ginagawa ang mga school administrators para agad na malaman kung may palatandaan ng AH1N1 ang mga estudyante. Sa pagsisimula ng klase ng mga nasa kolehiyo kahapon, sa gate pa lamang ay kinukuha na ang tempera­tura ng mga estudyanteng papasok. Sinisiguro nila na walang estudyanteng may taglay na AH1N1 flu virus.

Bukod sa AH1N1, isa rin namang nakaaalar­ma ay ang paglipana ng mga masasamang loob at nambibiktima sa mga estudyante. Ka­hapon may mga insidente na ng panghohol­dap sa university belt. Sa kabila na sinabi ng Philippine National Police na nakaalerto sila sa mga masasamang-loob, mayroon pa ring nakakalusot at nakapambibiktima.

Sa mga nakaraang taon, maraming estud­yante ang napatay sa bisinidad ng unibersidad. Hinoholdap ang estudyante habang naglala­kad at kapag pumalag ay sinasaksak. Kara­niwang ang mga estudyante na panggabi ang klase ang inaabangan ng mga holdaper.

Nangako si PNP chief Dir. Gen. Jesus Ver­zosa ­na pangangalagaan ang seguridad ng mga estud­yante. Sana ay hindi lamang sa pagbu­bukas ng klase laging nakaabang o nakabantay ang mga pulis kundi sa buong panahon ng ka­ni­lang pag-aaral. Ang police visibility ay ma­ha­laga sa bisinidad ng mga es­kuwelahan para mapigilan ang mga holda­per, snatcher, kidnapper at iba pang may ma­sasamang tangka sa mga estudyante.

Show comments