^

PSN Opinyon

'Last two minutes' kurakot, bantayan

SAPOL - Jarius Bondoc -

DAHIL binatikos ni Sen. Mar Roxas, kinansela ng National Irrigation Administration ang lutong makaw at overpriced bidding para sa backhoes na nagkakahalagang P1.4 bilyon. Dahil binisto ng media, kinansela rin ng Dept. of Education ang P400-milyong lutong makaw at overpriced bidding din para sa noodles (pero marami nang naunang supply contract ang nakalusot). Sa palagay niyo ba hindi na sila uulit? Huwag magpabaya. Sabi nga mismo ni dating economic secretary Romy Neri, maysakit ang Arroyo admin ng immoderate greed o walang-hanggang kasakiman.

Aba’y napaamin na nga si Comelec spokesman James Jimenez sa panayam kay Ted Failon na may Arroyo crony pala sa likod ng P11.3-bilyong poll automation. Pipirmahan pa lang ng Comelec ang kontrata ng Smartmatic-TIM nu’ng Huwebes, pero binunyag ni Jimenez na uupahan ng consortium ang Aboitiz Shipping para i-deliver ang 82,200 precinct counters sa iba’t-ibang pook. Nagalit si special bids and awards committee chairman Ferdinand Rafanan sa sinabi ni Jimenez. Lumalabas na dati pa man ay kausap na ng Smartmatic ang Aboitiz Group, na napakalapit kina Gloria at Mike Arroyo. Tumindi tuloy ang hinala na niluto ang bidding para sa Smartmatic dahil mabigat pala ang backers nito.

Lumalakas ang usapan, samantala, na palihim na hinahanda ng Metropolitan Waterworks & Sewerage System ang isang matinding contract. Ibabalato sa paboritong grupo ang $2-bilyong (pitong beses ang laki sa ZTE scam) para itayo at i-operate ang Laiban Dam sa Tanay, Rizal. Ito’y upang madag­dagan kuno ang supply ng tubig sa Mega Manila, pero tataas naman ang presyo mula sa kasalukuyang P30 kada cubic meter tungo sa P45. Ito’y dahil hindi nag­tawag ang MWSS ng public bidding para sa pinaka-epektibong pagkukuhaan ng dagdag-supply ng tubig. Basta iginiit na lang na Laiban Dam ang solusyon, at pagkatapos ay palihim pumili ng papaborang kumpanya.

Buti pa ang linta, kapag nabusog na ay bumibitaw sa pagsisipsip ng dugo.

ABOITIZ GROUP

ABOITIZ SHIPPING

COMELEC

FERDINAND RAFANAN

JAMES JIMENEZ

JIMENEZ

LAIBAN DAM

MAR ROXAS

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with