Eclampsia
Ang eclampsia ay convulsion na nangyayari sa panahon ng pagbubuntis kung saan apektado ang cardiovascular system. Ang unang warning sign ng eclampsia ay ang pagtaas ng presyon ng dugo, pananakit ng ulo at ang pamamaga o pamumula ng sakong. Ang hindi maipaliwanag na pagbigat ng timbang habang buntis ay isa rin sa mga palatandaan ng eclampsia. Ang mga condition ay makukumpirma dahil sa presensiya ng protein sa ihi. Ang condition ay karaniwang nadidiskubre kapag ang ina ay nasa early stages na ng sakit, kaya ito ay tinatawag na pre-eclampsia.
Ang pamamahinga ay nararapat sa isang buntis at dapat na mamonitor ang fetus. Kapag grabe ang condition, kailangan na ang emergency Ceasarian section.
Ang dahilan ng eclampsia ay hindi maipaliwanag subalit karaniwan itong nangyayari unang pagbubuntis o di naman kaya, matanda na ang ina, mataba, dating mataas ang blood pressue o merong diabetes o kaya’y kambal ang kanyang ipapanganak.
Wala naman daw kinalaman ang sinasabing namamana ang ganitong sakit subalit dapat na ring ipagtapat ng pasyenteng buntis sa kanyang doctor ang history ng kanyang pamilya.
Hindi nagre-respond ang eclampsia sa mga gamot na nag-aalis ng sobrang liquid at asin mula sa katawan kaya inihikayat ang kababayan na magtake ng normal salt diet at uminom nang maraming tubig.
Ang grabeng complication ng eclampsia ay ang pagbaba ng platelet count ng dugo, pagkasira ng atay at ang pagbaba ng red blood cells. Kung mangyayari ang ganito, karaniwang ginagawa ay isailalim sa Caesarian section ang pasyente.
May pangyayari na nagaganap ang eclampsia ilang araw makalipas ang panganganak kaya ang mga doctor ay imino-monitor ang kalagayan ng pasyente hang gang sa ang kondisyon ay mag-improved. Maski nakauwi na sa bahay ang pasyente nararapat ang medication para makontrol ang blood pressure. Ang regular check-up ay kinakailangan sa mga susunod na buwan.
- Latest
- Trending