NAKIKITA natin ang pagkasuklam ng nakararaming sector ng lipunan sa isinusulong na charter change through constituent assembly. Sa kabila ng kabi-kabilang protesta, hindi natitigatig ang mga Kongresistang nagbubunsod nito. Makabagong pagsiil sa demokrasya ito na nagiging kakatwa dahil katatapos lang nating ipagdiwang kahapon ang ika-111 taon ng Araw ng Kalayaan.
Sabi nga ni Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino leader Bro. Eddie Villanueva, dapat magkaroon ng nag-iisang paninindigan ang bawat Pilipinong nagpapahalaga sa kalayaan laban sa ganitong tusong hakbang ng mga mambabatas na kakutsaba ng isang administrasyong ibig manatili pa nang matagal sa kapangyarihan.
Aniya sa kanyang pahayag “Filipino people of today, are again given the opportunity to make a stand for our freedom, our rights, our democracy – this time against all the evil forces that maliciously toy with our hard-earned liberty by way of pushing for the ill-timed and illegal way of changing our Constitution despite our adamant collective stand against the move that might put our nation in peril.”
Ang idinaos na mapayapang rally sa Makati nung isang linggo na ginanap din sa iba pang bahagi ng bansa ay patotoo sa paninindigan ng mga Pilipino na idepensa ang kasarinlan ng bansa na ngayo’y nanganganib hindi sa kuko ng mga foreign colonizers kundi sa pagkagahaman ng sarili nating kababayan na nasa rurok ng kapangyarihan.
“It is an occasion for all democracy loving Filipinos to show our unity and solidarity in the face of this ruthless threat to the very soul and spirit of our nation. It is also an opportunity for all of us to go beyond our individual, personal, social, religious, even politi-cal, differences and become one people in this crusade for our nation’s sake” ani Bro. Eddie.
Pakapalan na talaga ng mukha ito. Mismong si dating Pangulong Cory Aquino ang nagsabing ito’y isang “shameless” o walang kahihiyang taktika para butintingin ang Konstitusyon para sa interes ng iilang nasa poder.
Harinawang ipagpatuloy ng bawat Pilipinong may malasakit sa demokrasya ang labang ito at huwag susuko. Ika nga ni Bro. Eddie “Let us turn this deplorable manipulation around and make it an opportunity for us all to show that we are going to stand up for our rights and freedom – and nothing is going to stop us. Not threats, not intimidation, not lies, not even the rain that pro-Cha-cha people are hoping will pour to dampen our spirits.
“Sa tulong at gabay ng ating Panginoon, at sa sama-sama nating pagkilos, may pag-asa pa ang minamahal nating bansa! Mabuhay ang bagong Pilipino! Mabuhay ang bagong Pilipinas!”