^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Parang manok na pinapatay

-

IKALAWA ang Pilipinas sa bansang pinaka­de­likadong lugar para sa mga journalists. Nangu­nguna ang Iraq na maraming journalist ang pinatay ng mga militante. Ang kaibhan nga lamang, may giyera sa Iraq at naglalaban-laban ang mga kapwa Iraqi, pero sa Pilipinas, walang giyera at parang manok na pinapatay ang mga journalist. Pinakama­rami ritong pinatay na komentarista sa radyo at kolumnista sa diyaryo. Kaya hindi masisisi ang New York-based Committee to Protect Journalists para sabihing delikadong bansa ang Pilipinas para sa mga mamamahayag. At sa kabila ng mga pagpatay sa mga journalist, wala namang makitang aksiyon sa pamahalaan para mapigil ang ganitong gawain o kaya’y madakip ang “utak” sa pagpatay.

Noong Martes ng umaga, isa na namang journalist ang pinatay at maaaring maisama na naman siya sa listahan ng mga hindi malulutas na kaso. Pinatay sa saksak ang radio broadcaster na si Crispin Perez, 66, habang nakikipag-usap sa isang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Bgy. 7, Occidental Mindoro, dakong alas-diyes ng umaga. Hindi pa nakuntento ang suspek, binaril pa si Perez ng ilang beses bago tuluyang tumakas. Isinugod si Perez sa isang ospital pero namatay habang nasa daan. Bukod sa pagiging broadcaster, isang abo­gado, dating vice governor at board member din si Perez. Ayon sa mga pulis, katatapos pa lamang umano ng radio program ni Perez nang siya ay patayin. Ayon sa isang opisyal ng lalawigan, maraming kaaway si Perez dahil sa pagbatikos   nito sa supply contract sa pagitan ng local coope­rative at private power firm.

Si Perez ang ika-41 journalists na napatay sa ilalim ng Arroyo administration. Noong January napatay si Badrodin Abbas at makalipas ang isang buwan, si Ernesto Rollin ng Ozamis City naman ang itinum­ba. Noong nakaraang linggo, napatay ng sindikato ng droga si Jojo Trajano ng tabloid Re-mate at ngayon nga ay si Perez.

Mula noong February 1986, 77 journalists na ang parang manok na pinapatay at karamihan dito ay hindi nalulutas. Patuloy na nakalalaya ang mga pumatay at ang “utak” ay patuloy na nabubuhay para marahil umutang pa ng buhay ng mga mama­ma­hayag. Kumilos sana ang pamahalaan para mapro­teksiyunan ang mga mamamahayag.

AYON

BADRODIN ABBAS

CRISPIN PEREZ

ERNESTO ROLLIN

JOJO TRAJANO

NEW YORK

PEREZ

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with