Sex video, masama kahit sumikat ang mga Pilipino

Sikat na rin dito sa Amerika si Dr. Hayden Kho dahil sa kanilang sex video ni Katrina Halili at iba pang babae. Lahat halos ng mga Pinoy dito sa Amerika ay napanood na sa internet ang sex video nina Dr. Kho. May narinig pa nga akong biruan na pati rin daw US officials, mga senator at congressmen ay napanood na ang sex video.

Araw-araw ngang nasusubaybayan dito sa Amerika ang imbestigasyon kay Dr. Kho. Kumalat nang kumalat ang scandal kaya sikat na naman ang mga Pilipno. Hindi lamang pala si Pacman ang magpapasikat sa ating bansa kundi pati na rin doctor na katulad ni Kho. Sumikat si Kho dahil din sa artistang si Katrina. Balita ko sa Pili­pinas ay kalat na kalat ang pirated video ng sex scandal pero hinuhuli ng mga pulis ang nagtitinda sa Quiapo.

Habang iniimbestigahan kung mga sino ang may kinalaman sa pagpapakalat ng sex video, pinag-iisipan din ang paghahain ng kasong krimen sa doctor. Isang batas naman, ang “Anti-Cyberboso Bill” ang inaprubahan na sa House at sabi ni Speaker Prospero Nograles ay ipa­prayoridad para maparusahan ang mga nagbi-video ng pagtatalik at ganoon din ang mga magpapakalat ng kopya nito.

Sana naman ay maging mabilisan ang pag-iimbes­tiga sa scandal ng sex video. Bili­san din ang pag­papatupad ng “Anti-cyber­boso Bill” para naman ma­parusahan ang mga kumu­kuha sa pagtatalik at nag­pa­pakalat ng kopya nito. Ang dapat na mabigyan nang mabigat na parusa sa kaso ni Dr. Kho ay kung sino ang nagpakalat ng sex video. Sila ang dapat usigin sa­pagkat inilagay sa ma­tinding kahihiyan ang mga kababa­ihan. Kahit pa na­kadagdag sa pagsikat ng Pilipinas at mga Pinoy sa mundo ang scandal sa sex video, kakahiya naman ito. Hindi dapat ipagmalaki.


Show comments