^

PSN Opinyon

Di pa mag-aalsa pero malapit na

SAPOL - Jarius Bondoc -

Iisa ang reaksiyon ng mamamayan sa muntik nang pagnakaw ng Lakas-Kampi akyat-bahay gang sa ating demokrasya: Poot. Sa radyo, telebisyon at diyaryo, isini­si­walat nila ang kanilang pagkasuklam kay Gloria Arroyo at mga kongresistang alipores niya. Kung nu’ng panahon ng martial law ang slogan ng pakikibaka ay “Marcos, Hitler, diktador, tuta,” ngayon ang sigaw ng bayan ay “Cha-Cha, Gloria ibasura.” Tutol ang publiko sa pakay ng House Resolution 1109 na mag-Constituent Assembly ang Kamara de Representantes pero hindi kasama ang Senado. Alam nilang pakana lang ito para maisulong ang ano mang amyenda sa Konstitusyon (halimbawa, pagbago sa parliamentary form) na magpa­palawig kay Arroyo at sa kanila sa poder, o magpapaliban sa halalang 2010. At dahil sa kagarapalan ng pagpasa ng Lakas-Kampi gang sa 1109 — kung maaalala ay binu­salan pa nila ang kokonti na ngang minoryang oposisyon — nakakaramdam ang madla ng sigalot. May mga nagsasabing magkakagulo, baka raw mag-kudeta ang militar o mag-people power ang masa, at kung mag­matigas ang Lakas-Kampi ay maari raw mauwi sa giyera sibil. Nanawagan na nga si rebeldeng Gen. Danny Lim sa mga opisyal at sundalo ng Sanda­tahang Lakas na sundin ang konsensiya at gawin ang tama — para ipag­tanggol ang taumbayan at Republika.

Pero hinay-hinay lang, payo ni Senate President Juan Ponce Enrile. Hindi pa kailangang mag-alsa ng masa. Uupuan lang naman ng Se­nado ang 1109 hanggang maglaho ito. At kung pan­sinin man ng Korte Supre­ma ang (pekeng) kaso ni Atty. Oliver Lozano sa 1109, saka lang nila ito haharapin.

Sa pakiwari ni Fr. Joa­quin Bernas, isa sa umakda ng Konstitusyong niyuyura­kan ng Lakas-Kampi, ma­layo pa ang gang sa pagpa­palawig sa poder. Kaila­ngan muna nila mag-CA mismo, tapos kum­binsihin ang Comelec na magdaos ng plebisito. Ka­ila­ngan ma­pasang-ayon nila ang Korte Suprema, at ipatupad sa Sandatahan ang pananatili nila. Kung lang makuha nina Arroyo at alipores sa suhol ang Comelec, Korte at AFP — ay saka mag-aalsa ang Pilipino. Sa ngayon hindi pa, pero ma­aring malapit na.

COMELEC

CONSTITUENT ASSEMBLY

DANNY LIM

GLORIA ARROYO

HOUSE RESOLUTION

KORTE SUPRE

KORTE SUPREMA

LAKAS-KAMPI

MAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with