^

PSN Opinyon

Kaso ng tubero at kantero na tinanggal sa trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

SI Rufino ay tubero at si Artemio ay kantero. Noong Pe­brero 2, 1976, hinirang sila ng isang kompanya upang magtrabaho sa pagbabago at pagkukumpuni ng gusali nito. Bagamat may regular na empleyado na ang kom­panya sa pagpapanatili ng gusali, kinakailangan pa rin ng kompanya ang serbisyo ng dalawa sa loob ng isang buwan o higit pa kung mayroon pang dapat kumpunihin sa gusali tungkol sa pintura, tumutulong bubong, bara­dong tubo at iba pa.

Ang pagkumpuni at pagbabago ay natapos noong Oktubre 1976. Ngunit nagpasya ang kompanya na magtayo ng karugtong na gusali kaya sina Rufino ay pa­tuloy pa ring nagtrabaho sa fire escape. Noong Nob­yembre 27, 1976, nakatanggap sila ng abiso na sa Nob­yembre 29, 1976 tapos na ang trabaho nila. Ngunit dahil kailangan pa ng mga munting pagkumpuni, nagtrabaho sila hanggang Disyembre 11, 1976 at sila nama’y binayaran ng kaukulang suweldo.

Pagkaraan nito hindi na sila pinagtrabaho pa. Kinu­westiyon nina Rufino at Artemio ang paghinto nila sa trabaho. Hindi raw sila dapat tinanggal ng walang dahilan sapagkat regular na empleyado na sila. Tama ba sina Rufino at Artemio?

Mali. Malinaw na ang trabaho nila ay hindi pirmihan at limitado lamang. Hinirang sila upang magtrabaho sa isang partikular na proyekto o gawain – ang pagkumpuni ng gusali at hindi ang regular na pangangalaga sa gusali. ang gawain nila ay hindi maituturing na regular na panga­ngalaga sa gusali sapagkat may regular na empleyado na ang kompanya na gumagawa nito. Dahil hindi nga sila regular na empleyado, hindi masasabing ang pag­tanggal sa kanila’y walang sapat na dahilan. Pinatigil na sila dahil ang trabahong pinagawa sa kanila ay tapos na at wala na silang iba pang gagawin (Jai alai vs. Clave 126 SCRA 299).

ARTEMIO

BAGAMAT

GUSALI

NGUNIT

NOONG NOB

NOONG PE

RUFINO

SHY

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with