Hamon ni Bro. Eddie sa mga kabataan

ANG problema sa lipunan ay marami nang tao ang lumihis sa matuwid na landas. Marami na ang ganid pati na sa mga nakapuwesto sa gobyerno. People have departed too far from the righteous path. Hindi relihiyon ito. Kahit sa mga hindi naniniwala sa Diyos ay mayroong sumu­sunod sa matuwid na prinsipyo ng katapatan, paglilingkod at pagmamahal sa kapwa kahit hindi naniniwala sa Diyos. 

Ironically, kung sino pa ang mga nagsasabing nani­niwala sa Diyos ay siya pang kinakikitahan ng kasakiman. Marami nang magnanakaw na nasa mataas na posisyon sa pamahalaan. Hindi public service ang ginagawa kundi “self-service” para patabain ang bulsa at magpakalasing sa kapangyarihan kahit ang napipinsala ay ang kina­bukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng salapi, puwedeng imaniobra ang sistema para makapanatili sa rurok ng kapangyarihan.

Kaya ang hamon ni Bro. Eddie Villanueva, namumuno sa Bagong Pilipino, Bagong Pilipinas Movement, “Ipag­laban ang inyong magandang kinabukasan”.

“The youth of today must not, ever, allow the government to continue this daylight robbery of their rights done under their very noses,” Ani Bro Eddie kaugnay ng tuso at malisyosong pagpasa ng Mababang Kapulungan sa House Resolution 1109 na magbabago sa Konstitusyon (sa pamamagitan ng Con-Ass) na itsapuwera ang Sena­do. Maraming sector ng lipunan ang kumokondena sa tusong hakbang na ito. Halatang-halata palibhasa ang layuning panatilihin sa pu­westo ang kasalukuyang administrasyon.Talagang lantarang pambabastos    ito sa umiiral na demo­krasya.

Ayaw na natin ang peo­ple power revolution dahil may negatibo ring epekto sa lipu­nan. Paulit-ulit nang nangyari iyan pero wala pa ring buting hinantungan ang Pilipinas. Pero kung may mga pagta­tang­kang supilin ang demo­krasya lalu na sa panig ng mga umuugit sa gobyerno, pa­ano maiiwa­san ang pag-aaklas ng taumbayan? Ang nakaka­inis pa ay hugas-kamay ang Malacañang sa usa­ping ito at sinasabi pang walang pakialam ang ehe­kutibo sa gawain ng mga mambabatas.

Sa ganitong adbokasya na linisin ang lipunan sa lahat ng uri ng kasakiman at kasa­maan, dapat ang mga naka­ta­tanda ay nasa “board of coun­selors” pero ang mga tagapa­nguna ay mga kabataan. Sana nga’y magbuklod-buklod ang mga kabataan sa mithiing ito.

Show comments