40 dapat gawin sa araw-araw

Maglakad 10-30 minutos — nang nakangiti. Mag-isa’t tahimik maupo nang 10 minuto. Paggising itakda agad ang pakay sa araw. Makinig sa magandang musika: pampasigla ng loob. Isabuhay ang tatlong “S”: sigla, sigasig, simpatya. Maglarong mas malimit kaysa nakara­ang taon. Bumasa ng mas maraming libro kaysa nakara­ang taon. Tumingala sa kalangitan; pansinin ang ganda ng mundong nakapaligid. Mangarap nang gising mas malimit. Piliin ang pagkaing galing sa pananim, hindi sa pabrika.

Sa pag-inom ng wine kapiling ang minamahal, i-toast ang anomang marikit sa buhay. Patawanin ang di bababa sa tatlong tao. Alisin ang kalat sa bahay, kotse’t opisina. Huwag aksayahin ang oras sa tsismis, hinanakit o bagay na wala kang kontrol. Paaralan ang buhay at narito tayo para matuto: Suliranin ay leksiyong tataglayin habam­buhay. Mag-agahang parang hari, mananghaliang parang pari, maghapunang parang pulubi. Ngumiti, tumawa mas malimit. Huwag palagpasin ang pagka­kataong yakapin ang isang kaibigan. Masyado maikli ang buhay para igugol sa poot kaninoman. Huwag mong labis seryosohin ang sarili.

Hindi kailangan ipanalo lahat ng pagtatalo. Tanggapin ang lumipas maaliwalas ang kasalukuyan. Huwag ihalintulad ang buhay mo sa iba; hindi mo tiyak kung ano na ang dinanas nila. Walang ibang responsable sa iyong kaligayahan kundi ikaw. Pakatandaan: Kontrolado lang natin hindi ang mangyayari kundi sariling kilos. Matuto ng anuman bago araw-araw. Anomang ini­isip ng iba tungkol sa atin ay hindi natin saklaw. Ma­kon­tento sa sariling kata­wan. Mabuti o masama man ang sitwasyon, mag­ba­bago rin ‘yon. Hindi ang trabaho natin ang mag-aalaga sa atin kapag nag­ka­sakit tayo, kundi ang mga kaibigan; panatilihin silang malapit.

Iwaksi ang walang silbi o nakatutuya o pangit. Huwag aksayahin ang oras sa pagkamit ng meron ka na. Gaganda pa ang bu­kas. Walang hahalaga kaysa pagtulong sa kapwa. Maki­ pagtalik sa iniibig. Tawagan malimit ang mga kaanak. Sa gabi bago ma­tulog, “ipagpasalamat ang....” Alisin ang sanhi ng pagka­bahala. Namnamin ang paglalakbay sa buhay.


Show comments