^

PSN Opinyon

Isyu: Malalaswang billboard!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Diretsahang nanawagan si Cong. Benny Abante sa Advertising Board of the Philippines na magkaroon ng moralidad sa paggawa at paglalabas ng mga komersiyal.

Ito’y matapos tumungo ang BITAG sa tanggapan ni Cong. Abante sa Sta. Ana Manila at hingin ang kaniyang panig bilang mambabatas sa isyu ng malalaswang billboard sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Bago rito, naunang nakausap ng BITAG si Department of Public Works and Highways Undersecretary Rafael Yabut.

Taliwas sa mga naglalabasang balita sa diyaryo, hindi malalaswang billboard ang kinukundena ng DPWH kundi mga billboard na lumalabag sa alituntunin ng pagtatayo ng istrukturang billboard.

Kagaya ng oversized billboard na sinasabing delikado sa mga motorista at kalapit lugar nito, mga billboard na sumasabit o nakaharang sa mga linya ng kuryente at telepono o kaya naman tamang taas at istruktura ng mga bakal ng billboard.

Wala naman daw sa kanilang panuntunan ang kuwes­ti­yunin ang mga nilalaman ng billboard. Ganunpaman, bilang ama, hindi rin sumang-ayon sa mga malalaswang billboard sa kalsada si Usec. Yabut.

Ayon naman kay Cong. Abante, oras na maipasa ang House Bill 3305 o ang Anti-pornography bill na nagla­layong magparusa sa pagprint, publikasyon, importas­yon, pagnenegosyo at eksibisyon ng malalaswa at bastos na materyales.

Tutumbukin raw nito ang mga nilalaman ng mga billboard sa lansangan na ka­pansin-pansin ang pag­gamit sa mga katawan ng kababaihan upang mag-endorso ng mga produkto.

Pabirong tanong nga ni Cong. Abante sa BITAG, ke­langan bang mag-endorso ng brief na kitang-kita ang bukol sa harap?

Kung tutuusin raw, hindi na ito kinakailangan ien­dor­so dahil ito ang mga halimbawa ng produktong talaga namang binibili na ng tao.

Sagot naman ng AD­BOARD sa pamamagitan ng Outdoor Advertising, hindi na raw nila kontrolado ito dahil ito’y nagmumula sa creative department ng mga kumpanyang mag-eendorso at oras na ipasa ito sa screening ay diretso na ito sa paningin ng mga tao.

Abangan ngayong Sa­bado ng gabi ang iba pang detalye ng isyung ito…


vuukle comment

ABANTE

ADVERTISING BOARD OF THE PHILIPPINES

ANA MANILA

BENNY ABANTE

BILLBOARD

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS UNDERSECRETARY RAFAEL YABUT

HOUSE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with