^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lakihan ang budget para sa edukasyon

-

Aayos at matiwasay daw ang pagbubukas ng klase sa public school noong Lunes, sabi ng Department of Education (DepEd). Nasa 19.46 milyong estudyante ang nagbalik sa mga school at sabi ng DepEd, “very smooth and orderly” ito. Wala raw silang naranasang extraordinary problems sa pagbubukas ng klase. Sabi ni DepEd secretary Jesli Lapus natutuwa siya sa magandang resulta ng pagbubukas ng klase. Napaghandaan daw talaga ng departamento ang opening. Pinuri ni Lapus ang mga tumulong sa kanilang Oplan Balik Eskuwela.

Maganda naman at tagumpay ang programa ng DepEd para sa matiwasay at maayos na pagbubu­kas ng klase. Ganito nga ang hangad ng mga magu­lang — ang matiwasay na pagbubukas ng klase. Pero mas may maibibigay pa ang DepEd na labis na mahalaga hindi lamang sa mga magulang kundi lalo sa mga estudyante. At ito ay ang pagbibigay pa nang mahusay na edukasyon, maayos na pasili­dad at iba pang makatutulong sa mga kabataan para maabot ang mataas na karunungan. At ang mga nabanggit ay maibibigay lamang ng pamahalaan sa pamamagitan ng DepEd kung maglalaan nang mala­king budget. Kung may malaking budget allocations ang DepEd, makatitiyak na may magandang kina­bukasan ang mga kabataan. Sa pagbubuhos ng budget para sa edukasyon, maraming kabataan pa ang matututo at sila ang mag-aambag nang mala­ki para umunlad ang bansang ito.

Maliit lang ang budget para sa edukasyon nga­yong 2009, nasa P160 billion. Mas malaki pa ang naka-allocate para sa mga utang at bayarin (P600 billion) at ganundin para sa IRA na P260 billion. Sa budget na P160 billion, lumalabas na ang gastos ng gob­yerno para sa isang estudyante sa loob ng isang taon ay $138 lamang. Samantalang sa ibang bansa sa Asia kagaya ng Thailand, Singapore at Japan, ang bawat estudyante roon ay ginagastusan ng gobyerno $853, $1,800 at $5,000 ayon sa pagka­ka­sunud-sunod. Mas malaking hamak ang inila­la­an ng gobyerno para sa edukasyon ng mga kabataan.

Hindi lamang ang kaayusan at katiwasayan ang dapat ipagkaloob sa mga estudyante kundi ang sagad na tulong para sa edukasyon. Sagarin ang pagbibigay ng alokasyon sa budget. Iprayo­ridad ang edukasyon.

AAYOS

BUDGET

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EDUKASYON

JESLI LAPUS

OPLAN BALIK ESKUWELA

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with