^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang mabuting DH

-

Walang trabaho sa kasalukuyan si Mildred Perez, 38, pero nananatiling nasa Hong Kong dahil patuloy niyang inilalaban ang kaso sa dating employer na tangkang gumahasa sa kanya noong 2007. At dahil pinagbawalan siyang makakuha ng ibang trabaho roon, ang pamumulot ng mga basura — lata ng softdrink, carton at iba pang recyclables items ang pinagkakakitaan niya. Kumikita siya ng HK$38 o P228 isang araw. Pinagkakasya niya ang halagang iyon para sa kanyang sarili. Gusto man niyang magpadala ng pera para sa kanyang dala­wang anak sa Bambang, Nueva Viscaya ay hindi niya magawa. Ayon sa kanya, napilitan nang tumigil sa pag-aaral ang kanyang mga anak dahil sa masaklap niyang karanasan sa Hong Kong. Hindi niya akalain na ang kanyang mga pangarap ay maguguho dahil sa amo niyang hayok sa laman na nagkataon pa namang isang pastor.

Noong Abril 29, 2009, makaraang mag-renew ng visa sa Immigration department, isang makapal na packet na singlaki ng air mail envelope ang nakita ni Mildred sa isang basurahan sa kanto ng Pottinger St. at Des Voeux Road. Pinulot agad niya ang packet at ibinigay sa kanyang kasamang lalaki. Binuksan nila ang packet at nakita nila roon ang mga cash at tseke na nagkakahalaga ng HK$350,545 o katumbas ng P2.1 million.

Agad nilang ipinagbigay-alam sa Hong Kong Information Center ang natagpuang pera. Kinontak ang may-ari ng pera pero walang sumasagot. Sabi ni Mildred hindi siya makatulog ng gabing iyon. Napaka­rami ng pera. Maari niyang kunin iyon at agad siyang uuwi ng Pilipinas. Tapos na ang kan­yang problema sa pera. Hindi na siya mamumulot. Pero hindi raw kaya ng kanyang konsensiya. Baka raw ang may-ari ng pera ay isa ring empleado at hindi naman sa kanya ang pera. Maaaring mawalan siya ng trabaho. Paano kung marami siyang pinaka­kain. Hindi niya kayang angkinin ang hindi niya pag-aari. Naka­tatak na rin sa isipan niya ang mga payo ng magulang na huwag pag-interesan ang hindi pag-aari.

Hanggang sa lumutang ang may-ari ng pera. Tuwang-tuwa ito. Ipinahuhulog pala sa kanya ang pera sa banko pero naiwala niya. Kaharap ang mga opisyales ng POEA, isinauli ni Mildred ang pera sa may-ari. Sa tuwa ng may-ari, binigyan siya ng isang latang cookies.

Hindi nagsisisi si Mildred sa ginawang pagsasauli ng pera. Hindi naman kasi kanya iyon. Balik sa pamu­mulot ng basura si Mildred. Nagtitiis, nagtitiyaga at umasang matatapos din ang kanyang pagdurusa.

Siya ang mabuting DH.

DES VOEUX ROAD

HONG KONG

HONG KONG INFORMATION CENTER

KANYANG

MILDRED PEREZ

NIYA

NOONG ABRIL

NUEVA VISCAYA

PERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with