Summer sa Canada
Summer dito at gayundin sa Canada
Panganay kong anak ay umuwi muna’t
Kami ay sinundo – kanyang isinama
Sa kanyang pagbalik sa bansang masaya!
Kaming mag-asawa at ang bunsong anak –
Ang kanyang mister, saka isang hipag;
May isang Canadian kaibigang tapat –
At ang tatlong apo – kami’y sampung lahat!
Ang sinakyan nami’y higanteng jetliner
Nasa business section kaming limang elders;
Nasa economy ang limang relatives
Yaong mag-asawa at tatlong apong excited!
Maraming turbulence kaming naraanan
Pagka’t nasa tapat ng Pacific Ocean;
Dahil sa makalog ang aming sasakyan
Di ako antukin habang naglalakbay!
Ako’y nakaramdam ng matinding takot
Pagka’y sampu kami na baka mahulog;
Sa bawa’t sandaling kami’y kumakalog
Nagdarasal ako habang sila’y tulog!
Kapag takot pala ang puso’t isipan
Ang hindi matulog ay nakakayanan;
16 oras akong gising ang isipan –
bumawi ng tulog sa Vancouver na lang!
Ang takot sa dibdib ay biglang nawala
Nang aming sapitin ang bansang sagana;
Dahil ang anak ko’y Canadian na yata
Kami’y ipinasyal na lubos ang tuwa!
Magagandang pook ay aming narating –
Dinala pa kami sa malyong whistler;
Yao’y paraisong ibabaw ng mountain
Sa bundok na yelo kami ay naaliw!
Ibabaw ng bundok ay aming nasapit
Sakay ng cable cars na siyang nagtawid;
Doo’y puro yelo at napakalamig –
Kay sarap maglakad at walang panganib!
- Latest
- Trending