^

PSN Opinyon

Shalom

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

Ngayon ang ika-50 araw ng Pasko ng Muling Pagka­buhay ni Jesus. Ito ang araw na Kanyang ipinangako sa mga alagad na ipadadala niya ang Espiritu Santo, ang liwanag ng Diyos para sa Kanyang mga taga-sunod: “silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.”

Ito ang araw na ating sinimulan ang sangka-kristi­yanismo at sa tulong ng Espiritu Santo ay itinalaga tayo ng Diyos sa mga bagay na dapat nating gawin. Ito ding araw na ito nagsimula ang ating misyon upang ipalaganap ang buo Niyang pagka-Diyos at pagka-tao. Sa tulong ng Espiritu Santo ay itinalaga tayo ng Diyos sa mga bagay na dapat nating gawin. Dito natin sinimulan ang ating debosyon sa Espiritu Santo tuwing Lunes na marami pa sa atin ang hindi nakaaalam.

Maging ang Salmo 104 ang nagpapaalaala sa atin: “Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin”. Ma­ging si Pablo ay nagpapaalaala sa atin na sa iba’t ibang kaloob, iisa ang Espiritung nagkakaloob; iba’t ibang paraan ng paglilingkod sa iisang Panginoon na pinagli­lingkuran; at iba’t ibang Gawain sa iisang Diyos na sumasalahat.

Kaya’t sa ating mga Pilipino Katoliko-Kristiyano na marami ang pini-pintakasi ay masasabi ko na ang ating number one ay ang Espiritu Santo na sinugo ni Jesus na mag-uugnay sa atin sa Diyos. Palagi kong inilalahad na sa ating paggising sa umaga, lagi nating purihin ang Diyos at ating dasalin: Espiritung Banal kami ay iyong liwanagan sa buong maghapon ng aming buhay. Kaugnay din ng aking papuri: Pagsikat ng araw sa umaga laganap ang biyaya ng Diyos. “Tayo’y pinaiinom ng isang Espiritu at hinihingahan ni Jesus at sinabi: “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Patawarin ninyo sa kanilang mga kasa­lanan. Ang hindi ninyo patawarin ay hindi pinatawad.”

Sa ating patuloy na pananalangin sa Espiritung Banal, binubuksan ang ating isip at puso upang tangga­pin ang katotohanan ng ating buhay. Muli nating buuin at patatagin ang ating simbahan at lagi tayong magtipun-tipon at sama-samang purihin ang Diyos. Idalangin natin kay Jesus na muling ipadala sa atin ang apoy ng Espiritu Santo upang mapawi ang takot at pangamba at ang ma­­ ma­yani sa atin ay pagka­kaisa, pag-iibigan, pagpa­pata­waran at pagpapaunlad     ng bayan at simbahan. At sumaatin ang kapayapaan. Shalom!

Gawa 2:1-11; Salmo 104; 1Cor 12:3-13 at Jn 20:19-23

ATING

DIYOS

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

ESPIRITUNG BANAL

SANTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with