^

PSN Opinyon

Hayden Kho pinaliguan ni Abner Afuang

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGULANTANG ang mga audience sa Senate hearing the other day nang biglang buhusan ng tubig sa ulo si hide and seek este mali Hayden pala ni Abner, isang kolumnista sa newspaper at kabaro natin habang isinasagawa ang pagdinig regarding sa sex video scandal ng mga bebot na niyari ng culprit na nagkalat ngayon sa Philippines my Philippines.

Sabi ni Ka Abner, nagawa niyang paliguan este mali buhusan pala ng tubig si Hayden dahil sa galit nito kaugnay sa pambababoy na ginawa ng huli kina Katrina Halili at iba pang bebot na nilagapot niya at kinunan pa ng video.

Isang maruming baboy pala ang tingin ni Ka Abner kay Hayden na dapat linisin dahil umaalingasaw daw ang baho nito sa ginawang kahibangan sa mga bebot.

Naggagalaiti sa galit si Ka Abner ng makita niya sa video ang pinaggagawa ni Hayden sa mga bebot na binaboy nito.

Ang masama pa aniya ay pinakalat pa sa madlang people ang dvd. Iba’t ibang posisyon sa kama ang pamba-baboy ni Hayden.

Tanong-makulong kaya si Hayden dito?

Sagot-sana!

Ngayon ay pinagpi-fiestahan ito sa iba’t ibang place sa Philippines my Philippines.

Paano na ngayon sina Katrina Halili at iba pang bebot na binaboy nito?

Sabi ni Ka Abner, ano pang mukha ang mapapakita nito at ng pamilya niya sa madlang people sa nangyaring kababuyan.

Ayon kay Ka Abner, hindi na makakalimutan ng madlang people ang nangyari kina Katrina Halili at mga bebot na binaboy ng walanghiyang si Hayden dala na nila ang malungkot na karanasan nangyari sa kanilang buhay sa kagagawan ng isang buhong na lalaki.

Nakikidalamhati si Ka Abner kina Katrina Halili at sa mga bebot na kinunan ng gagong ito habang nagpapasarap sa kama.

Sabi ni Ka Abner, hindi niya binastos ang pagdinig sa Senado dahil iginagalang niya ang nasabing institution pero nang makita niya si Hayden dito ay nanginig na lamang ang buong katawan nito dahil hindi niya matanggap ang ka-maniyakan sa pinaggagawa niya sa mga bebot.

“Kamukha pa naman ng anak kung babae na nasa Amerika si Katrina,” kuento ni Ka Abner sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Ayon kay Ka Abner, kung sa nanay kaya o mga kapatid na bebot ni Hayden nangyari ang pinaggagawa niya kina Katrina Halili et al ano kaya ang gagawin nito?

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mineral water ang ibinuhos ni Ka Abner sa ulo nito at nakatimpi pa ang huli.

‘May sira din ba ang ulo ni Ka Abner kaya niya nagawa ito?’ tanong ng kuwagong kamote.

‘Walang amat si Ka Abner. Galit lang ang nangibabaw sa kanya kaya siguro hindi nakatiis’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Hindi ba dating Pagsanjan Mayor si Ka Abner?’

‘Korek ka dyan.’

‘Naging Makati police pa si Ka Abner.’’

“May balls ba talaga si Ka Abner?’ tanong ng kuwagong urot.

‘Ipagtanong muna lang kung ilan ang binalutan ng dyaryo dahil kay Ka Abner.’

‘Totoo ba ito?’

‘Kamote, iyan ang ipagtanong mo!’

Miss Universe pugad ng milagro

TAKSAN-taksan ang nagbigay ng information sa mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa milagro dyan sa loob ng Miss Universe Club sa Pasay City.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Rey suka ang engkargado ng club na walang ginawa kundi lagaputin ang mga bagong bebot na nag-aaply todits.

May bar fine din daw sa club sa mga customer na gusto ng medyo mahaba-habang lagaputan. Ang presyo sa mga foreigner na maglalabas ng bebot todits ay P6.000 up kapag sa pinoy ay P5,000 daw at ang tawag sa operasyon lagaputan ay ‘kairo’.

Totoo kaya ito Mr. William?

SA VIP room ay may nangyayari rin madyik P3,000 with free condom ang gastos.

Basta codename ‘gimik’ ito na iyon.

Totoo kaya ito Mr. William?

Siguro panahon na rin para mapasadahan ito ng PNP-CIDG upang tiktikan kung talagang may nangyayaring kababalaghan sa club.

Abangan.

vuukle comment

ABNER

AYON

BEBOT

HAYDEN

KA ABNER

KATRINA HALILI

LSQUO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with