Muslims for Bro Eddie!
ISANG grupong Muslim ang humihimok kay JIL leader (on leave) Bro. Eddie Villanueva na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2010. Wala umano silang makitang mas karapatdapat sa pinakamataas na posisyon ng pamumuno sa bansa sa mga naghahayag kumandidato ngayon.
Dalawang oras nakipagpulong si Bro. Eddie sa mga Muslim leaders mula sa iba’t ibang sector kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Martes. Pinangungunahan ngayon ni Bro. Eddie ang isang advocacy group (Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement) na naglalayong itaguyod ang righteous governance sa bansa. Ngunit wala pang ipinapahayag hinggil sa intensyong kumandidato. Sa palagay ko, gusto muna ni Bro. Eddie na makita ang public clamor na magiging kumpirmasyon ng isang propesiya kamakailan na siya ay maitatalagang Pangulo ng bansa.
Abala muna sa ngayon si Bro. Eddie sa pambansang advocacy para magkaroon ng maayos at wastong pag-pili ng mga kandidato sa darating na halalan sa isang taon. Nang makaharap niya ang mga Muslim leaders na handang sumuporta sa kanya, ang unang tanong ay “tatakbo ka ba o hindi?”
“Naghahanap kami ng presidentiable na matapang sa pagtatanggol ng karapatan ng maliliit, marunong matakot sa Diyos, at di marunong pumatay,” said Paul Khadaffy, the group’s spokesperson.
Sa tingin ko’y sawa na ang mga kababayan nating Muslim sa pagsuporta sa mga tradisyunal na politiko na sandaling maluklok ay nakalilimot na sa agendang inila-tag kaya susuporta sila ngayon kay Bro. Eddie. Anila, gaano man kabuti ang mga nasa ibaba pero ang pina-ka-leader ay hindi mabuti, walang kabutihang mapapala ang bansa.
Wika ng isang Muslim leader na si Ustaj Yusof, Kay Bro. Eddie, “Kami ang naglalagay ng gulong sa sasakyan at pag ito ay umandar na, sinasagasaan na lang kami.” Ang tinutukoy ni Ystadz ay ang mga politikong sinuportahan nila noon na hindi nakatu pad sa mga ipinangako sa kanila.
Dalawang oras ang naging palitang-kuro nina Bro. Eddie at ng mga Muslim leaders. Nilinaw niya na ang advocacy ng kanyang pinamumunuang grupo ay ang pagkilala sa pantay-pantay na karapatan ng bawat Pilipino. Ito ay alinsu nod sa roadmap ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement na kinapapalooban ng empowerment, emancipation and education ng bawat Pilipino pag papasigla ng ekonomiya, pag-aangat sa living standard ng taumbayan, pagpuksa sa masamang pamamahala at pagtataguyod ng kaayusan at ka payapaan sa buong Pilipinas.
Bukod kina Ustaj Yusof and Paul Khadaffy, ang ibang Muslims Para sa Diyos at Bayan officers na dumalo ay sina Prof. Haji Sulaiman Sadik, Papa Naga, Ustaj Minor Natangco, at Muslim Art designer, Robert.
Iisa ang sigaw nila: Tu makbo ka Bro. Eddie upang magkaroon na ng malinis na leadership sa ating bansa.”
- Latest
- Trending