^

PSN Opinyon

'Kabit-kabit na creations ng Hayden-CAM'

- Tony Calvento -

Marami na ang naglabasan na naisulat na opinyon at espekulasyon kay Dr. Hayden Kho, Katrina Halili at iba pang mga babae na lumabas.

Nagpalitan ng iba’t –ibang akusasyon at maaanghang na salita ang mga daliring nagtuturuan kung sino ang may kasalanan, magmula sa kampo ni Dr. Hayden, ang kanyang ina, pati na din kay Dr. Belo at sa kabilang panig nila Katrina at sa iba pa na naging biktima ni Hayden sa kanyang ‘HAYDEN CAM’.

Ngayong araw na ito tatlo sa aming staff dito sa Calvento Files/ Hustisya Para sa Lahat ang magbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa kumakalat na sex video ni Hayden batay ito sa kanilang napanood at nakita.

Ayon sa National Demographic and Health Survey 2003 lumalas na 53.1% ng kalalakihan at 1.7% ang kababaihan ang napapabilang sa ‘pre-marital sex’. Habang tumatagal ay dumarami ang mga kabataang nalilihis ng landas.

Nabulabog ang buong Pilipinas sa pagkakalabas ng pinaka-kontrobersiyal na ‘sex video’ sa showbiz ngayon. Ayon sa report apat na bidyo pa lang ang kumakalat maliban sa 40 video collection ng doktor.

Ito ay ang Brazilian model, Maricar Reyes, Katrina at ang hindi pa natutukoy na babae.

Umiiyak at hiyang-hiya na humarap sa medya si Katrina para maipahayag ang kanyang nararamdaman tungkol sa paglabas ng kanilang bidyo.

Sumunod na kumalat sa ‘creation’ umano ni Hayden ay ang bidyo ni Maricar na isa rin modelo.

Mapapansin na ang bidyo ni Maricar ang kakaiba sa lahat ng bidyong lumabas sa publiko.

Makikita dun na merong namamagitan pagmamahalan sa dalawa habang ginagawa nila ang mga bagay na pribado, ngunit mapapansin mo din na inilapit pa ni Hayden ang anggulo ng kamera para sila ay mismong nasa gitnang frame nito.

Ngayon, dahil sa nangyari ay pinag-pipiyestahan na ng lahat ang iskandalo ng mga bidyong lumabas.

Kahit saan magpunta iisa lang ang madidinig mo sa mga radyo, tv, babasahin, simbahan, drayber, tambay, nagta­trabaho, matanda man o bata pareparehas nilang pinag-uusapan ang napakalaswang bidyo.

Hindi namin akalain na kayang gawin ng isang doktor ang sumira ng buhay ng tao na dapat ay siya ang gumagamot dito. Kahit pa sabihin nating may ‘mental illness’ si Hayden dapat ay iniwasan na lamang niya na kumalat ang mga bidyo at sinira na lamang ang kopya ng mga ito upang hindi na din ito kumalat.

Ayon sa mga balita ang tanging may hawak ng kopya ng mga bidyo ay sina Dr. Hayden, Dr. Vicki Belo, Bistek Rosario at si Eric Chua.

Sila ngayon ay nasa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Optical Media Board (OMB) dahil sa maaaring sila o isa sa kanila ang nagkalat.

Ayon sa ating batas maaaring kasuhan si Hayden at ang mga nagkalat ng videos ng RA 9262 o Violence Against Women and Children, ART. 201 Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows at R.A. No. 4200 ANTI-WIRE TAPPING ACT na nagsasabing “It shall be unlawful for any person, be he a participant or not in the act or acts penalized in the next preceding sentence, to knowingly possess any tape record, wire record, disc record, or any other such record.”

Lumalabas na merong masamang motibo sa pagkuha ng kung ano man ang ginagawa ninyo at kailangan mo pa itong itago.

Maaaring bumaba ang moral ng isang babae pag siya ay nailagay sa isang kahihiyan katulad ng pagkalat ng mga maseselang bagay sa publiko na dapat sana ay umiikot lamang sa pagitan ng dalawang taong magkarelasyon.

Hindi makatarungan ang ginawa ni Hayden sa mga babaeng kanyang nabiktima sa kumakalat na bidyo.

Isang malaking dagok ito para kay Katrina at Maricar lalo na sa kanilang pamilya sa pagharap ng problema.

Sa kanyang ginawa ay marami siyang nasirang buhay. Hindi lamang ang buhay ng mga babaeng kanyang na biktima kung hindi pati na rin ang bawat pamilya at mga taong nagmamahal sa kanila.

Itinuring pa man din siyang isang doktor, paano na lang siya pagkakatiwalaan ng kanyang babaeng pasyente sa loob ng kanyang klinika na walang bidyo dito habang kanyang sinusuri ito.

Nakakahiya na isa pang doktor ang pinagsimulan ng lahat ng ito. May isang tanong na naglalaro sa isip ng tao ngayon,

Mga opinyon nina Den Viaña, Joanne M. Del Rosario at Jasmin Salenga.

Email: [email protected]


AYON

BIDYO

BISTEK ROSARIO

CALVENTO FILES

DR. HAYDEN

HAYDEN

KANYANG

MARICAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with